Kylie

Kylie, may pasabog kay Jessica

October 23, 2021 Ian F. Fariñas 126 views

HINDI pa tapos ang kontrobersiya sa pagitan ng estranged couple na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Ngayong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), magsasalita si Kylie tungkol sa mga paratang sa kanya ng dating mister.

Sa eksklusibong panayam ni KMJS host Jessica Soho, ibibigay ni Kylie ang kanyang panig sa mga kontrobersyal na isyung kinasasangkutan.

Tatalakayin din ng KMJS kung papaano ba dapat pinanghahawakan ng public figures ang kanilang pribadong buhay kung pinagpipistahan na ito ng publiko at netizens sa social media.

Kaya tutok lang sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo, 8:40 p.m., sa GMA Network.

AUTHOR PROFILE