
Kylie kabogera
WALANG mintis sa paghatid ng pasabog si Kylie Verzosa! Sa kanyang latest Instagram post, muling pinatunayan ng beauty queen-turned-entrepreneur na siya ang reyna ng kaseksihan.
Suot ang nakakapasong swimsuit, umawra si Kylie sa isang mala-paraisong isla ng Amanpulo at tila hindi lang araw ang nagpawis, kundi pati netizens!
“Island life” ang simpleng caption niya, pero hindi simpleng init ang hatid ng kanyang larawan. Sadyang makalaglag-panga ang kanyang bronzey glow, hugas-pinggang katawan, at killer aura na pang-Miss Universe pa rin kahit wala sa stage!
Sari-sari naman ang naging reaksyon ng kanyang tagahanga at manliligaw sa comment section. “Island queen!” ang sigaw ng isang fan, habang ang isa naman ay napa-wow sa kanyang kagandahan. May isa pang hindi napigilan at sinabing, “Ur vibe is dope ngl!”