Kylie

Kylie itinangging nagselos si Jake kay Zanjoe

May 20, 2022 Aster Amoyo 95 views

MAHUSAY si Kylie Versoza sa “Ikaw Lang ang Mahal.” Ito ang bagong offering mula sa Vivamax under the direction of Richard Somes.

Ginagampanan ni Kylie ang role ni Lira, isang writer na nagkaroon ng depression after mamatay ang kanyang mga magulang. Pero nagkaroon siya ng bagong pag-asa nang makilala niya si Andre (played by Zanjoe Marudo).

Siyempre, alam mo na magkakagustuhan sina Lira at Andre. Kaso marupok naman itong si Andre at agad nagpatukso sa female director na si Ingrid (played by Cara Gonzales).

Maraming love scenes sina Kylie at Zanjoe and supposedly ito raw ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Kylie at Jake Cuenca dahil sa selos.

Pero ang sabi ni Kylie, noong ginagawa niya ang movie four months ay sila pa ni Jake. Binigyan niya ng credit ang ex-bf dahil tinulungan siya nito na buuin ang karakter ni Lira.

May mga kinausap din si Lira na tatlong tao to help give her an insight kung paano ba niya dapat gampanan ang role ni Lira na may depression.

Pero malaki rin ang tulong sa kanya ni Direk Richard kaya maayos niyang nagampanan ang kanyang role.

Zanjoe

Zanjoe no big deal magpakita ng puwet

SOBRANG marupok naman si Zanjoe Marudo as Andre sa pelikulang ‘Ikaw Lang ang Mahal’ dahil agad siyang bumigay sa seduction ni Cara Gonzales who plays a director.

Ayon kay Direk Richard Somes, kahit na may sexy scenes ang karakter ni Zanjoe with Kylie and Cara, hindi naman daw iyon inilagay for prurient reasons.

Integral naman daw sa kwento ang pagkakaroon ng sex scenes dahil art naman din ang sex.

Wala naman daw kaso kay Zanjoe kung nagpakita naman siya ng puwet sa pelikula. Hindi naman daw issue ito sa kanya.

Mas tinitignan daw niya kung maganda ang script at kung challenging ang kanyang role.

To be fair, credible naman ang performance ni Zanjoe bilang isang documentarist who wants to find his place under the sun.

Pops

Pops feeling excited

FEELING excited si Pops Fernandez dahil finally ay makakasama na niya sa isang concert ang mga OPM icons na sina Rey Valera, Hajji Alejandro, Marco Sison at Nonoy Zuniga.

Sa presscon ng concert titled “Four Kings and a Queen” noong Wednesday ay binanggit ni Pops na never pa niya nakatrabaho ang apat na hitmakers except for Marco na nakasama niya sa isang musicale na ipinalabas sa Metropolotan Theater many years ago.

“Mabuti naman I get the chance to work with them bago ako mag-retire,” said Pops.

Sa Amerika ang unang leg ng summer concert series na produced ni Pia Legaspi ng Amore EntTheir tour will start at the Northern California Graton Bay Area Resort & Casino on June 25, Saban Theater at Beverly Hills on June 26, Sahara Event Center at Las Vegas on July 1, Bally’s Casino at Lake Tahoe on July 3, Bally’s at Atlantic City on July 9, Copernicus Center in Chicago on July 10, Double Tree Hotel in Portland Oregon on July 15 and Hawaii Convention Center in Honolulu on July 17.

AUTHOR PROFILE