Kylie humihingi ng pang-unawa hinggil sa hiwalayan nila ni Aljur

July 9, 2021 Aster Amoyo 155 views

BAGO nagsimula ang zoom press conference para sa pelikulang “Nerisa” ng Viva Films na tinatampukan ng dating beauty queen-turned actress na si Cindy Miranda, Aljur Abrenica, AJ Raval, Sheree Bautista, Sean de Guzman, Elizabeth Oropesa, Bembol Roco, Gwen Garci and Guji Lorenzana mula sa script ni Ricky Lee at direksyon ni Lawrence Fajardo, ay may pakiusap na ang PR ng Viva na wala umanong personal question na sinundan ng host-moderator ng zoomcon na si Giselle Sanchez.

Ito’y bilang respeto na rin sa lead actor ng pelikula na si Aljur na kasalukuyang may personal na pinagdadaanan na may kinalaman sa kanilang paghihiwalay ng kanyang misis, ang Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Sumunod man ang media participants sa zoomcon gusto sana nilang marinig mula sa bibig ni Aljur ang katotohanan kahit nagsalita na ang ama ni Kylie na si Robin Padilla tungkol sa kanilang paghihiwalay sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa vlog ng huli.

Hindi man natanong at nagsalita si Aljur sa hiwalayan nila ni Kylie, ito ngayon ang pinag-uusapan ng marami.

Nakikiusap naman si Kylie na bigyan umano sila ng respeto ni Aljur dahil sa kabila nito ay gusto pa rin nilang maging normal ang kanilang pagiging co-parents para sa dalawa nilang anak na sina Alas Joaquin (4) at Axl Romeo (turning two on December 9).

It was in February this year nang mag-post si Kylie sa kanyang Instagram account ng mga cryptic messages na pinagmulan ng espekulasyon ng mga tao na hiwalay na sila ni Aljur. Pero ang haka-hakang ito ay napawi nang makitang buo ang kanyang pamilya sa kanyang 31st birthday nung nakaraang March 24. At nung nakaraang Mother’s Day ay binati pa ni Aljur ang kanyang misis kaya inakala ng mga tao na okey na muli ang pagsasama ng dalawa.

Sa story conference ng “Nerisa” last May 24 ay inamin ng actor na may pinagdadaanan umano ang kanilang relasyon ni Kylie bilang mag-asawa pero hindi ito nagbigay ng detalye.

Last Thursday, July 8 ay nagpadala sa GMA News ng kanyang official statement si Kylie confirming her separation from Aljur.

“Every family goes through a lot of challenges and sometimes we think that it is only the couple that goes through the ordeal.

“We forget the kids and the people that are involved in the family.

“In the past few months, our family has gone through the process of recovering, healing and moving on.

“All we need right now is respect-first and foremost on the decisions we have made as a family and respect-to Aljur who is the father of my two wonderful boys, most especially to Alas and Axl who are at this point very fragile, and also to our families from both sides who have guided us along the way.

“Aljur and I are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake.

“We pray and hope that will become better persons through this experience and will bring out the best in all of us.

Thank you for your love and support.”

AUTHOR PROFILE