Gabbi

Kylie, Gabbi at Sanya Lopez, dugo at pawis ang puhunan sa ‘Mega Serye’

December 19, 2022 Ian F. Fariñas 95 views

Puspusan na ang paghahanda ng Kapuso stars na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez para sa kanilang upcoming action-adventure series.

Paniguradong sasabak muli sa maaaksyong eksena ang former Encantadia Sang’gres kaya nagsimula na ang kanilang training at nagkaroon na rin ng script reading para ma-visualize at madama ang kani-kanilang role.

Bago ang taping, sumalang na rin ang cast sa “look test.” Ano kayang mga pasabog ang inihanda nila para sa “Mega Serye” na ito?

Tiyak na aabangan din ng Kapuso viewers ang kanilang mga susuoting costume.

Abangan ang kanilang muling pagsasama sa serye sa GMA-7 soon.

AUTHOR PROFILE