Kylie

Kylie, bumuwelta kay Cristy Fermin

October 22, 2021 People's Tonight 229 views

CristyNAGPAHAWATIG si Kylie Padilla sa bagong post sa Instagram na, “I’m really okay. Masaya ako and I will protect my happiness. No matter what.”

’Yan ang caption ni Kylie sa picture sa IG kasama ang dalawang anak nila ni Aljur Abrenica.

Eh, sa naging pahayag ni Aljur tungkol sa cheating umano ni Kylie, sinalag ni Kylie ang sinabi ng radio-online host na si Cristy Fermin.

“Alam ko kung sino ang source mo. Wag nyong hintayin mag salita ako tungkol sainyo. Nag titimpi ako para sa mga anak ko. Tignan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao. An bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda nyo na.

“At sana kung sisiraan nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo,” sey ni Kylie sa pasabog ni Cristy.

Kaya naman ang resulta, trending sa Twitter ang hashtag na #CristyFermin.

Ang kawawa sa ending ng sagutang ito sa social media nina Kylie at Ajur ay ang mga anak nilang bata pa.

Hangga’t maaga pa, eh, tumigil na sila sa kasasatsat, huh!

KLEA, INAMING NA-PAUSE ANG MUNTIKANG RELASYON KAY ANDRE

MUNTIK na palang mauwi sa relasyon ang friendship nina Andre Paras at Klea Pineda.

Sa guesting ni Klea sa Mars Pa More, natanong siya kung sino kina Jeric Gonzales, Jak Roberto at Andre ang medyo nagkaroon ng katotohanan sa pagkaka-link niya.

“Wala nang explanation, huh! Okey na ‘yun at hindi na ako magpapaliwanag.

“Si Andre, kasi maganda ang foundation ng friendship namin. So magkasundo kami sa bagay-bagay pero nu’ng papunta na kami somewhere na ‘yung feelings namin sa isa’t isa… nag-pause kami bigla, eh, parang nag-pause lang bigla. Si Andre ang pinaka-close sa akin. ‘Yung timing hindi tugma. Hindi talaga,” rason ni Klea.

Nagkasama noon sina Klea at Andre sa Kapuso series na Encantadia at Sirkus.

Napapanood siya ngayon sa Stories From The Heart: Never Say Goodbye kasama si Jak. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE