Aljur Abrenica

Kylie babalik na sa pag-aartista matapos ang hiwalayan nila ni Aljur

July 13, 2021 Aster Amoyo 625 views

NGAYONG hiwalay na si Kylie Padilla sa asawang si Aljur Abrenica ay babalikan nito ang kanyang career sa Kapuso Network na pansamantalang natigil nang isilang niya ang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Balitang lumipat na rin ng bahay si Kylie kasama ang dalawang anak.

Aprubado sa ama ni Kylie na si Robin Padilla ang kanyang pagbabalik-showbiz dahil kailangan din nitong malibang at kumita para sa mga anak.

Kung matatandaan pa, sina Kylie at Aljur ay naging magkasintahan noong 2011 and got separated in 2014. Two years later sila’y nagkabalikan at nagpakasal nung December 11, 2018 na meron na silang one-year-old son na si Alas. Hindi na umabot sa kanilang third wedding anniversary ang kanilang pagsasama at sila’y muling nagkahiwalay.

Samantala, nagkahiwalay man sina Kylie at Aljur, gusto nilang mapanatili ang kanilang pagiging magulang sa kanilang dalawang anak.

Big personalities from ABS-CBN lilipat na sa GMA

BALITANG tuloy ang paglipat sa Kapuso network ng longtime partners na Johnny Manahan at Mariole Alberto na parehong namuno ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na pinamumunuan ngayon ni Laurente Dyogi.

Johnny Manahan and Mariole Alberto

Malaki ang maitutulong nina Mr. M. at Mariole sa GMA Artists Center kung ito’y ipagkakatiwala sa kanila maging ang Sunday musical variety show ng network na makailang beses nang nag-reformat.

Ngayong nasa bakuran na ng GMA sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo at iba pang transferee talents mula ABS-CBN, tiyak na muling paaandarin ni Mr. M ang kanyang `magic wand’. Since malapit din sina Mr. M. at Mariole kay Maja Salvador, hindi rin malayong mabitbit nila ito sa GMA at iba pang prized talents ng Kapamilya. Although may ginagawang TV series ngayong si Maja sa TV5, wala umano itong network contract.

May lumulutang ding balita na maging si Jericho Rosales ay lilipat din ng GMA at iba pang talents na wala na umanong existing contract with ABS-CBN.

Piolo kapamilya pa rin

Piolo PascualPROUD ang pamunuan ng ABS-CBN na pinangungunahan ng chairman na si Mark Lopez at president-CEO na si Carlo Katigbak sa kanilang mga Kapamilya stars and talents na nanatili sa pagiging Kapamilya sa kabila ng pagkawala ng prangkisa nila na may isang taon na ang nakaraan. Patuloy na umaasa ang Kapamilya na maibabalik ang kanilang prangkisa para lalo nilang maihatid sa publiko hindi lamang ang public service kundi maging ang mga balita at entertainment na sa kabila ng kanilang sitwasyon ngayon ay nagagawan pa rin nila ng paraan, kasama na rito ang kanilang pakikipag-alyansa with Cignal TV-TV5 at A2Z or Channel 11.

Bukod sa existing stars and talents ng ABS-CBN, patuloy pa rin ang kumpanya sa pagtuklas ng mga bata at baguhang talents na kanilang dini-develop to become big stars someday.

Samantala, mukhang mananatili pa ring Kapamilya si Piolo Pascual matapos itong magbigay ng virtual message during the Kapamilya get-together sa “ASAP Natin `T” last Sunday. Si Piolo ay kasalukuyang nasa Amerika.

Dahil sa surprise virtual appearance ni Piolo on “ASAP Natin `To,” ito’y nangangahulugan lamang na siya’y babalik sa pagiging Kapamilya matapos itong lumabas sa competing program ng “ASAP….” sa TV5, ang “Sunday Noontime Live” produced ng Brightlight Productions ni Albee Benitez na umabot lamang sa ere ng tatlong buwan.

Huwag magtaka kung muling mapapanood si Piolo sa “ASAP Natin `To” isa sa mga araw na ito.

Cristina pinili ang ‘Ang Probinsyano’

DAPAT sana’y makakasama ang singer-actress at dating politician na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzales sa action-adventure TV series na “Lolong” na pagbibidahan ni Ruru Madrid under GMA pero naunang dumating ang offer ng “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan siya ngayon napapanood.

Ang Probinsyano

Nagpapasalamat si Cristina na siya’y naging bahagi ng top-rating and longest-running action-drama series na “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin na isa rin sa mga director ng serye. Ito bale ang naging comeback project ni Cristina after more than two decades of being inactive sa showbiz dahil sa pagkakaroon ng sariling pamilya, ng dalawang anak at pagpasok sa pulitika. Ngayon ay binalikan lamang niya ang kanyang first love, ang pag-arte na kanyang minana sa kanyang namayapang ama, ang dating singer-actor at isa sa mga matinee idol ng Sampaguita Pictures during his prime na si Jose Mari Gonzales.

Inaasahan naman ang pagsunod sa mga yapak ni Cristina ang kanyang panganay na si Sofia Gonzales Romualdez pero mas focused ito sa music at business.

Anak umiyak nang umalis si Ian for lock-in taping

NAKA-ten-day quarantine ngayon ang buong cast at production staff ng “Lolong” na pagbibidahan ni Ruru Madrid sa bakuran ng GMA in preparation for their lock-in taping na gagawin sa Villa Escudero in Quezon simula ngayong July 16. Kasama sa naturang serye sina Shaira Diaz at Arra San Agustin at iba pa.

Nasa cast din si Ian de Leon na nahirapang umalis sa kanilang bahay dahil umiiyak at humahabol ang kanyang five-year-old son na si Jayden.

“Mahirap but this is work at ito ang set-up ngayon,” pahayag ni Ian na kung hindi nagka-pandemic ay paalis na sana with his family patungong Japan kung saan sila makikipagsapalaran.

Dahil sa lock-in set-up, hindi rin niya natanggap ang kanyang guesting sa ongoing primetime hit TV series na “Huwag Kang Mangamba” ng ABS-CBN.

Wilma mother of three engaged na

ENGAGED na ang single mom of three children, ang model-actress na si Wilma Doesnt sa kanyang longtime boyfriend na si Gerick Livelo Parin who proposed to her sa isang resort na itinaon sa kanyang kaarawan.

Wilma Doesnt

Hindi man lumaki si Wilma with her biological parents, binusog naman siya ng pagmamahal ng kanyang foster family.

Si Wilma ay may tatlong anak sa kanyang past relationships – sina Asiana Emilia at Araion na itinaguyod niya mag-isa.

Si Wilma ay huling napanood sa TV series ng “First Yaya” ng GMA na tinampukan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo on YouTube. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE