Bolera

Kylie at Rayver, “lovers-turned-enemies” na nga ba sa ‘Bolera’?

August 13, 2022 People's Tonight 386 views

Patuloy pang nagiging kapana-panabik ang mga kaganapan sa huling tatlong linggo ng GMA primetime series na ‘Bolera.’

Puso at kakayahan kasi ng bidang si Joni (Kylie Padilla) ang titirahin ng kanyang mga kalaban sa pangunguna ni Cobrador (Gardo Versoza).

Mukhang nagtagumpay na nga ito na sirain ang relasyon nina Joni at Miguel (Rayver Cruz). Sa pagkawasak ng puso ni Joni, tanging si Toypits (Jak Roberto) na lamang ang huli niyang malalapitan.

Dinamayan naman ng Kapuso viewers si Joni sa panibagong dagok sa kanyang buhay, “Ano ba yan parang hindi lang si Joni ang nasaktan, kami rin. It’s ok Joni, let Miguel explain kasi maraming nasisira sa maling akala. Siguradong loyal naman si Miguel sa’yo.”

Tuluyan na bang mauudlot ang love story nina Joni at Miguel? Paano nito maaapektuhan ang takbo ng kanilang laban sa 9-Ball Tournament?

Kapit lang sa mga matitinding ganap sa last 3 weeks ng Bolera, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Lolong sa GMA Telebabad.

AUTHOR PROFILE