Kyle

Kyle, nanghihingi ng dasal para sa kapatid na may brain tumor

June 24, 2022 Vinia Vivar 93 views

Ramdam namin ang sakit na nararamdaman ni Kyle Echarri sa kanyang maramdaming post about his 11-year-old sister Bella who was diagnosed with brain tumor.

Ayon sa young actor, May 2 na-diagnose si Bella pero nalaman niya lang recently dahil ayaw ng kapatid na ipaalam sa kanya para hindi siya mag-alala.

“My baby sister Bella has been my world since the day she was born. Just yesterday I was told by my family that my little girl was diagnosed with a brain tumor on May 2nd and she wanted to hide it from me because she said she didn’t want me to get stressed while I was working,” pagbabahagi ni Kyle.

“To say it hurts is an understatement… I love this girl 10x more than I love myself,” patuloy niya.

Ibinahagi rin ni Kyle na natapos na ng kapatid ang radiation treatment at nakiusap sa fans and followers na isama ito sa kanilang mga dasal.

“She has finished her radiation treatment and now I’m asking for everyone’s prayers for my baby sister. She’s the most beautiful, smart,and amazing little kid that I will love forever. We have all high hopes and I’m hoping everyone can help pray for complete healing for my little girl,” ani Kyle.

Kalakip ng post ni Kyle ay ang mga larawan ng mga bonding moments nila ni Bella at makikita rito kung gaano talaga sila ka-close na magkapatid.

ONLINE SHOPAHOLIC

Abangan sina Kate Valdez, Therese Malvar at beauty queen-actress Lara Quigaman sa bagong kuwento ng Daig Kayo Ng Lola Ko na Billie, Bili Na bukas.

Very timely ang kwento ng nasabing episode dahil tumatalakay ito sa online shopping.

Ginagampanan ni Kate ang role ng fashionistang si Billie pero ubod ng gastos. Panay ang “add to cart” niya para sa trendsetting OOTD.

Hindi rin nakakatulong sa bad spending habits niya si Yaya Bes (Divine) at idagdag pa ang kaniyang friends na sina Lala (Therese), Zara (Mitzi Josh) at Nikki (Hannah Arguelles).

Kaya naman magbabago nang tuluyan ang buhay ng fashionista na si Billie nang malaman ni Mommy Rechie (Lara) ang nakakalokang pinagkakagastusan ng anak at agad na iku-confiscate ang credit card.

Matututo kaya si Billie kung paano dapat gastusin ang kanyang pera? Susi kaya rito ang mahiwagang K-pop-inspired outfit na isa sa ide-deliver sa bahay ng dalaga?

Mapapanood na ang bagong episode na ito ng Daig Kayo ng Lola Ko ngayong June 26 pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

AUTHOR PROFILE