Heart

Kwintas ni Heart sa GMA Gala, worth P7M!

July 23, 2023 Vinia Vivar 251 views

Five months in the making ang gown na isinuot ni Heart Evangelista sa katatapos na GMA Gala 2023 at talaga namang umani ng katakut-takot na papuri at atensyon ang Kapuso actress dahil dito.

Heart was wearing a couture dress and matching clutch from Maison Schiaparelli at nakadagdag pa sa kanyang fabulous look ang suot niyang Serpenti necklace from Bvlgari na reportedly ay nagkakahalaga ng P7 million lang naman!

Sey ni Heart sa kanyang outfit during her red-carpet interview, “It’s a couture piece from Schiaparelli and it took five months to make.”

Kasama ni Heart ang husband na si Sen. Chiz Escudero who was wearing a Christian Dior suit na ang aktres mismo ang pumili.

“Ako ang pumili niyan at ako rin ang nag-shopping niyan dahil pinilit ko siya. So, it’s a beautiful suit from the iconic Dior,” sey ni Heart sa suot ng mister.

Biro pa ng aktres, “Pero naninigas siya (Chiz). Hindi niya kayang panindigan.”

Natatawa pa niyang sey sa asawa, “Panindigan mo.”

Pangiti-ngiti lang si Sen. Chiz at hindi masyadong nakapagsalita na tila nahihiya nga.

As we all know ay beterana na si Heart sa pagdalo sa mga glamorous event bilang nakapakarami na niyang napuntahang iba’t ibang fashion week sa iba’t ibang bansa.

Pero aniya, talagang dumadalo pa rin siya sa ganitong big event ng kanyang home network.

“It’s always special to attend GMA because, you know, especially when it’s time for you to bond with your friends and then, it’s time for you to dress up. And, you know, being in fashion week and stuff like that, it’s fun, too, you know, to be able to bring a piece from your experience and then bring it here, it’s always an experience, and then, my husband pa is here,” sey ni Heart.

Sulit din naman ang effort ni Heart dahil siya ang itinanghal na Female Sparkle of the Night.

AUTHOR PROFILE