Batangueno

Kwelang ‘Batangueñong Kabitenyo,’ iere sa I Heart Movies

June 24, 2022 Ian F. Fariñas 121 views

Gugulong sa katatawa ang mga manonood sa mga kwelang eksena ng real-life Batangueño na si Leo Martinez sa classic Viva Films movie na Batangeñong, Kabitenyo na muling matutunghayan sa Takilya Throwback ng I Heart Movies bukas, June 26 (12 noon at 10 p.m.), at sa Lunes, June 27, 8 a.m.

Katambal ni Leo sa nasabing comedy film na dinirek ni Felix Dalay ang dating sexy actress na si Anjanette Abayari at kasama rin bilang sidekick si Danny “Brownie” Punzalan.

Si Leo si Magno, ang Batangueñong babaero na asawa naman ni Anjanette. Matagal nang pangarap ng mag-asawa ang magkaanak, pero hindi sila pinagbibigyan ng pagkakataon.

Dahil sa pagiging babaero ni Magno, lalabas ang likas na katapangan ng kanyang misis na parang isang tigre tuwing mahuhuli ang kanyang mister.

Riot talaga ang mga eksena sa pelikula tulad na lamang ng pamamaril ni Anjanette kay Leo nang mahuli niya itong may kasabay maligo sa may poso.

Paglabanan man ni Magno ang tukso, likas siyang lapitin ng mga babae kaya lagi na lang silang nagkakagulo.

Mapapadpad si Magno sa Maynila sa hangarin niyang makapagbago.

Balikan ang nakatatawang mga eksena sa Batangueñong Kabitenyo sa Takilya Throwback ng I Heart Movies bukas, 12 noon at 10 p.m., at sa Lunes, 8 a.m.

GOLDEN MASK AWARDS

MATAPOS ma-unmask ang grand winner na si Kris Lawrence (bilang celebrity contestant na si Panda), may isa na namang pasabog ang Masked Singer Pilipinas Season 2 ngayong Sabado ng gabi sa TV5.

Ito ang The Golden Mask Awards kung saan bibigyan ng parangal ang mga katangi-tanging Masked singers na all-out ang naging performance sa top-rating reality singing competition.

Samahan ang host na si Billy Crawford at magsuot ng best mask ngayong Sabado para sa awarding ceremonies ng The Golden Mask sa Masked Singer Pilipinas Season 2, 6 p.m., sa TV5.

AUTHOR PROFILE