Kuya Kim

Kuya Kim lilipat na sa GMA

September 29, 2021 Aster Amoyo 1200 views

Kuya KimHANGGANG ngayong Biyernes, October 1 na lamang mapapanood si Kim Atienza, also known as Kuya Kim (Alejandro Ilagan Atienza), 52, sa longest-running primetime news program ng ABS-CBN, ang “TV Patrol” bilang segment host ng “Weather-Weather Lang” doing the weather forecast for the last 16 years.

Ang dating politician at panganay na anak ni dating Manila Mayor-turned Buhay Party-List Representative Lito Atienza ay nagsimula sa bakuran ng Kapamilya network bilang isa sa hosts ng morning show na “Magandang Umaga”. He left the program in 2009 para maging bahagi ng daily noontime program na “It’s Showtime” na nagsimula sa ere nung October 24, 2009. Sa kalaunan ay nawala rin si Kuya Kim sa nasabing programa na pinangungunahan na comedy superstar na si Vice Ganda.

Nung March 24, 2008 ay nagkaroon siya ng sariling programa, ang weekly science-educational and environmental show, ang “Matanglawin” na isa sa mga nakanselang programa nang magka-pandemic at mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN nung May 2020. For about two years ay naging ka-radio tandem siya ni Amy Perez sa “Sakto” teleradyo program ng DZMM bilang kapalit ni Marc Logan at ito’y tumagal from 2018 to 2020.

Although wala pang direktang kumpirmasyon na nagmumula mismo kay Kuya Kim at sa pamunuan ng GMA, ang veteran broadcaster ay inaasahang magiging Kapuso kung saan ito nakatakdang magkaroon ng sarili niyang programa at malamang din na maging segment host din siya ng katapat ng programa ng “TV Patrol” sa GMA, ang “24 Oras”.

Inaasahang magpapaalam na si Kuya Kim sa kanyang mga followers sa “TV Patrol” ngayong Biyernes ng gabi na napapanood gabi-gabi, from 6:30 p.m. to 8 p.m.. mula Lunes hanggang Biyernes.

Ang paglipat ni Kuya Kim sa bakuran ng GMA ay isa sa mga `transition’ ng kanyang career.

BienPaalam, Bien Lumbera

SUMAKABILANG-buhay last Tuesday, September 28 ang National Artist for

Literature na si Bienvenido Lumbera sa edad na 89. He was a Filipino poet, critic, dramatist, book author and former professor on literature and a recipient of various awards at kasama na rito ang Ramon Magsaysay Award for Journalism, Literature and Creative Communication Arts. His notable works include “Rama Hari,” “Noli Me Tangere,” “Bayan at Lipunan,” “Tales of the Manuvu,” “Hibik at Himagsik nina Victoria Laktaw” at marami pang iba. Meron din siyang poetry collection na pinamagatang “Likhang Dila, Likhang Diwa”. He also authored several literature books tulad ng “Revaluation: Essays on Literature, Cinema and Popular Culture” at “Philippine Literature: A History and Anthology”.

Bienvenido and his elder sister were orphaned when he was 5 years old at sila’y inalagaan ng kanilang lola. His grandmother died when he was fourteen. Ang kanyang nakatatandang kapatid ay napunta sa kanilang tiyahin habang siya naman ay napunta sa kanyang godparents na walang anak dahil gusto niyang magpatuloy sa kanyang pag-aaral. Siya’y nagtapos ng kanyang kolehiyo at master’s degree as University of Santos Tomas and took his PhD in Comparative Literature sa Indiana, University Bloomington in Indiana, USA nung 1968. Nakapag-aral din siya sa University of Hawaii maging sa Colegio de San Juan de Letran.

LycaAng kahanga-hangang buhay ni Lyca

ANG maternal grandmother ng kauna-unahang “The Voice Kids” grand winner na si Lyca Gairanod na si Lola Desma ang dahilan kung bakit hindi ito maiwan ng pamilya si Lyca sa kanilang dating lugar sa Tanza, Cavite kung saan silang sampung magkakapatid isinilang at lumaki. Ang isa sa sampu ay baby pa nang ito’y sumakabilang-buhay kaya siyam na lamang silang magkakapatid ang buhay.

At age 16 (turning 17 on November 21), hindi pa rin nakakaranas na magkaroon ng boyfriend ang Viva singer-actress dahil mas gusto umano niyang mag-focus sa kanyang career at pagiging vlogger para matulungan niya ang kanyang pamilya dahil siya ngayon ang tumatayong breadwinner matapos niyang pahintuin sa pangingisda ang kanyang amang si Mang Hilario habang plain housewife naman ang kanyang inang si Nessel.

Sa siyam na magkakapatid, isa na rito ang may asawa at may dalawa nang pamangkin si Lyca na siya ring nagpapaaral sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Ang napanalunang house and lot ni Lyca sa “The Voice Kids Philippines” ay binenta na nila dahil nagtayo sila ng bahay na ilang metro lamang ang layo sa kanilang dating barung-barong para malapit sa kanyang Lola Desma na ayaw umalis sa lugar.

“Sobrang close po ang aming pamilya kay Lola at hindi po namin matiis na malayo sa kanya,” paliwanag ni Lyca na may 1.7M subscribers na sa YouTube.

Inamin sa amin ni Lyca na nasa trust fund umano ang kanyang napanalunang P1-M cash sa “The Voice Kids Philippines” bilang grand winner. Malaking tulong sa kanya at sa kanyang pamilya ang kanyang pagiging YouTuber dahil dito nagmumula ang kanilang araw-araw na pangangailangan, pagpapaaral sa kanyang mga kapatid at nakabili na rin siya ng van na kailangan niya sa kanyang trabaho. Malaking tulong din sa kanyang ang kanyang `Ate’ Jessa dahil katuwang umano niya ito sa kanyang pagba-vlog. Siya rin umano ang nagmamaneho kapag may mga lakad siya, her production assistant at minsan ay make-up artist.

Plano ni Jessa na bumili ng isang condo unit somewhere in Quezon City para mapalapit sa kanyang trabaho at uuwi na lamang umano siya ng Cavite tuwing week-end. Pero sa ngayon ay nagre-renta umano siya ng isang apartment na hindi kalayuan sa kanilang bahay para mas madalas niyang mapuntahan ang kanyang pamilya maging ang kanyang lola na mas gusto pa ring tumira sa barung-barong na nasa gilid ng dagat.

Aminado si Lyca na limang taong gulang pa lamang umano siya nang magsimula siyang mamulot ng mga basura (kalakal) para makatulong sa kanyang pamilya. There were times na ang kanyang napupulot na kalakal ay naibibigay niya sa isang matanda na wala umanong makuhang kalakal. Ang matandang `yon ay tinutulungan ngayon ni Lyca.

Sobra naman ang pasasalamat ng teen singer-actress sa dating amo ng kanyang `Ate Jessa’ dahil sa pagiging supportive nito sa kanya nung siya’y sumali sa The Voice Kids Philippines. Pinahiram umano niya ng pera ang kanyang `Ate Jessa’ para may panggastos sila sa pag-audition niya sa Maynila hanggang sa contest proper. Bilang pagtanaw ng utang na loob sa amo ng kanyang nakatatandang kapatid na namamasukan noon bilang katulong, siya ang isinama ni Lyca nang siya’y magtungo ng Melbourne, Australia for a show with Darren Espanto.

“Sobrang natuwa po siya dahil first time din siyang nakapag-abroad,” pagbabalik-tanaw ni Lyca. “Siya po ang naging chaperone ko.”

Although petite, Lyca has a big heart not only for her family kundi maging sa ibang tao.

Looking forward naman si Lyca na maka-collaborate niya ang kanyang idol, ang Pop superstar ng Sarah Geronimo hindi lamang sa recording kundi maging sa digital concert.

Unknown to many, si Sarah G. ang dahilan kung bakit napunta sa Viva si Lyca.

MarcoMarco hindi kilala ang parents ni Juliana nang ligawan

HINDI ikinakaila ng ex-PBB housemate-turned actor, ang Fil-Italian actor na si Marco Gallo na first showbiz girlfriend niya ang kaisa-isang anak ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez na si Juliana Torres Gomez. Nagkakilala umano sila ni Juliana sa isang pictorial ng Bench kung saan naging signature model ng nasabing clothing brand ang actor-politician dad ni Juliana.

Ayon kay Marco, tumagal lamang ang relasyon nila ni Juliana ng halos apat na buwan at sila’y nagkahiwalay dahil bumalik noon ang actor sa Milan, Italy. Ayaw umano niyang mag-maintain ng isang long-distance relationship. Pero ang pansamantalang pagtalikod sa showbiz ay tumagal lamang ng anim na buwan dahil hinanap-hanap umano niya ito.

Inamin ni Marco na wala umano siyang alam about Juliana’s famous parents nang magkilala sila ng dalaga. Doon lamang umano niya nakilala ang parents ni Juliana nang ito’y dalawin niya sa kanilang bahay.

Nung nasa loob pa ng PBB house si Marco, he was only 16. Sa loob ng bahay ay si Vivoree Esclito ang kanyang crush pero siya naman ang crush ng Miss Universe Philippines candidate ngayon na si Kisses Delavin. Outside the house ay silang dalawa ni Kisses ang pinagtambal ng ABS-CBN sa pelikulang “Loving In Tandem” kasama ang dalawa pang ex-PBB housemates na sina Maymay Entrata at Edward Barber. Pero hindi nagtagal ang tambalan nila ni Kisses na itinambal din noon kay Donny Pangilinan. But Kisses decided to move to GMA.

Si Marco ay lumagda ng exclusive contract with Viva Artists Agency in 2019 kung saan sunud-sunod ngayon ang kanyang projects. Kabilang siya sa dalawang leading men ni Julia Barretto sa weekly TV drama series nitong “Di Na Muli” na napapanood sa TV5 kung saan din kasama si Marco Gumabao along with Angelu de Leon, Bobby Andrews, Baron Geisler, Liz Alindogan, Andre Yllana, Ashley Diaz at iba pa. Nasa lead role rin siya sa pelikulang “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso” na pinagtatambalan nila ni Aubrey Caraan mula sa panulat at direksyon ni Darryl Yap na showing ngayon sa Vivamax.

Hindi ikinakaila ng Fil-Italian actor na may bago siyang inspirasyon ngayon, ang Fil-American model na si Rachel Hemphill na mukhang artistahin din.

Subscribe, like, share ang hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram@asteramoyo, Facebook@asteraamoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE