Kuya Jobert

Kuya Jobert sa Canada na nagpapatawa

July 16, 2021 Aster Amoyo 1308 views

BAGO pa man ang lockdown sa Pilipinas at pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN nung isang taon ay nasa Calgary, Canada na ang singer-comedian na si Jobert Austria kasama ang kanyang childhood crush at wife na ngayon na si Tiad de Guzman na matagal nang naka-base doon. The couple carried a ten-year long distance relationship (LDR) bago tuluyang nag-propose si Jobert nang umuwi si Tiad ng Pilipinas for a vacation. Pareho na rin silang nagkaroon ng ibang karelasyon in the past at meron na rin silang mga anak from that relationship sa iba.

During the time ng kanilang long distance relationship ay dumaan sa maraming pagsubok ang buhay ni Jobert maging ang kanilang relasyon ni Tiad. May pagkakataon ding nakipag-hiwalay sa kanya si Tiad na naging daan ng depression ng singer-actor-comedian at siya’y na-hook sa drugs. Umuwi ng Pilipinas si Tiad at ipinasok sa rehab si Jobert. Isang buwan umano silang hindi nag-usap. After eight months ay lumabas na si Jobert ng rehab and Tiad was there for him.

Inamin ng komedyante na kung hindi dahil kay Tiad ay baka tuluyan na umano siyang nagumon sa droga at napariwara ang kanyang buhay.

It was also in 2014 nang ma-involve si Jobert sa tangkang pagpapakamatay nang ito’y umakyat sa ika-anim na palapag ng isang hotel in Quezon City pero ito’y naagapan ng kapwa niyang komedyante na si Eric Nicolas maging ng actor na si John Lloyd Cruz at iba pa nilang mga kasamahan noon sa sitcom na “Home Sweetie Home”. Pero nang magkaayos sila ng kanyang girlfriend noon na si Tiad ay tuluy-tuloy na ang pagbabago ni Jobert.

Bago tumulak ng Canada si Jobert ay isa ring magandang sorpresa ang nangyari sa kanya nang magkita sila ng kanyang biological mother na si Armanda Villanueva na hindi niya nakita at nakilala sa loob ng 50 taon.

Si Jobert ay bagong silang nang siya’y ipa-adopt dahil sa kanilang kahirapan. Growing up, nagkimkim ng galit at sama ng loob si Jobert sa kanyang magulang pero ito’y nawala lahat nang magkaharap na sila ng kanyang tunay na ina.

Bago ang pagkikita nina Jobert at ng kanyang biological mother, isang nagngangalang Jeremi Minorca ang nagpadala ng message sa kanyang Facebook account na matagal na umano siyang hinahanap ng kanyang tunay na ina. It turned out na si Jeremi ay kanyang step-brother sa kanyang ina na naka-base sa San Jose del Monte, Bulacan.

Naging madamdamin ang pagkikita nina Jobert at ni Armanda na nauwi sa iyakan at mahigpit na yakapan. Ang masayang moment na `yon ay baun-baon ni Jobert sa kanyang pag-alis ng Pilipinas patungong Canada.

Although umalis ng Pilipinas with a heavy heart si Jobert, masaya naman siyang tinanggap ng mga Filipino-Canadian sa Calgary, Canada kung saan siya madalas magkaroon ng show. Ito’y bukod pa sa kanyang pagiging vlogger na kanyang ipinagpatuloy kahit wala na siya sa Pilipinas, ang Kuya Jobert TV na meron na ngayong almost 1-M subscribers.

Ang ugnayan ni Drew at ng Filipina chef

FORTY-six-year-old former child star-turned award-winning American actress, model and talk show host Drew Barrymore has a colorful lovelife pero sa isang guy lamang siya nagkaroon ng dalawang anak na parehong babae na sina Olive (9) at Frankie (7) sa art consultant na si Will Kopelman, anak ng dating CEO ng Chanel na si Arie Kopelman. The couple started dating in 2011, announced their engagement in January 2012 and finally got married on June 2, 2012. Pero nung July 15, 2016, nag-file ang actress ng divorce which was finalized on August 3, 2016.

Drew Barrymore

In was in 2003 sa isang panayam sa kanya nang aminin ng actress na isa siyang bisexual.

“I love a woman’s body. I think a woman and a woman together are beautiful, just as a man and a woman together are beautiful,” aniya.

“Being with a woman is like exploring your own body but through someone else,” dugtong pa niya.

In 2015, si Drew together with actress Toni Collette ay dumalo sa premiere ng pelikulang “Miss You Already” sa Toronto International Film Festival.

It was in 1991 when Drew was only 16 nang siya’y ma-engaged kay Leland Hayward, grandson ng Hollywood producer na si Leland Hayward, Sr. pero pagkaraan ng ilang buwan ay nagkahiwalay ang dalawa and the planned wedding was called off. The following year in 1992, the actress got engaged sa musician na si James Walters pero nauwi rin ito sa hiwalayan.

On March 20, 1994, Drew married her first husband, ang Welsh-born L.A. bar owner na si Jeremy Thomas pero two months after ay nauwi ito sa divorce. That same year, she started dating Hole guitarist na si Eric Erland na sinundan ng MTV host and comedian na si Tom Green in 1999. They got engaged in 2000 na sinundan ng kanilang pagpapakasal on same year. The couple starred together in “Charlie’s Angels” pero on December 2001 ay nag-divorce ang dalawa which was finalized on October 15, 2002.

Taong 2002 nang magsimulang makipag-date si Drew sa drummer ng The Strokes. Ang dalawa ay nagkakilala sa isang concert pero ang kanilang relasyon ay nagtapos in 2007. Same year, nagsimulang makipag-date ang actress kay Justin Long pero the following year ay nagkahiwalay din ang dalawa. In 2009, nag-reconcile ang dalawa nang magsama sa pelikulang “Going The Distance” pero pagkaraan ng isang taon ay nagkahiwalay din sila.

It was on September 14, 2020 nang mag-premiere ang syndicated daytime talk show ni Drew, ang “The Drew Barrymore Show” kung saan madalas guest ng actress ang kanyang Filipina private chef and good friend na si Chef Pilar Valdes.

Sa recent Tatler edition ay ibinahagi ni Chef Pilar ang kanyang encounter with the famous American actress at paano na-develop ang kanilang pagiging magkaibigan at kung paano rin siya naging chef kahit wala siyang formal training in culinary at wala rin siyang experience working in a restaurant.

Having worked in a non-profit and philanthropy sa loob ng sampung taon, nag-switch ng career si Pia at siya’y napunta sa culinary world.

Samantala, on March 11, 2021, nag-desisyon si Drew that she’ll be taking an indefinite hiatus from acting.

Anak ni Gina na si Racquel late bloomer bilang artista

NAGPAPASALAMAT si Racquel Pareno, daughter of veteran actress Gina Pareno na siya’y napasama sa bagong TV series ng GMA, ang “Legal Wives” na pinamamahalaan ni Zig Dulay at tinatampukan nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali, Cherie Gil, Juan Rodrigo, Al Tantay, Ashley Ortega, among others.

Racquel Pareno

Although late bloomer si Racquel sa kanyang pagpasok sa showbiz unlike her mom na 17 years old lamang nagsimula, it’s never too late for her considering na meron na siyang tatlong anak at isang two-year-old granddaughter.

Sina Racquel and her mom na si Gina ay kasama sa bagong movie project ng writer-director na si Darryl Yap, ang pelikulang “Ang Manananggal Na Hindi Nahahati Ang Puso”. Second time na ito ni Gina to work with the out-of-the-box writer-director na si Direk Darryl pagkatapos ng “Tililing” which streamed on Vivamax.

Subscribe, like, share and hit the bell icon on #TicTalkWithAsterAmoyo on YouTube. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE