Regine

Kuwentong tsinelas ni Regine, patok sa netizens

January 31, 2022 Vinia Vivar 109 views

Ang daming naaliw sa kwento ni Regine Velasquez na nagpunta siya ng ABS-CBN studio na nakatsinelas.

Ipinost ng Asia’s Songbird ang larawan ng mga paa niya na nakatsinelas at sa caption ay ikinuwento niya kung bakit.

“Eh Kamusta naman yung nakalimutan kong mag palit ng sapatos? akalain mo bang nakarating akong ABS na naka sinelas as in pang bahay na sinelas sa sobrang luma manipis na ingat na ingat ako maglakad baka mapigtas sa sobrang luma dati may design to nabura na kakasuot ko!!!!!!

“Nakakaloka!!!!!!! #magandangbuhayherename by the way sa birthday ko paki bigyan nyo nga akong bagong sinelas!!!!!!! good morning,” Regine wrote.

Sa comment section ay nangunguna ang komento ni Angeline Quinto na pagkahaba-habang “hahaha.”

“Hahahahahahahahah. Good morning Ms. Reg,” sey ni Angeline.

Komento naman ng mister niyang si Ogie Alcasid, “Bigyan kita honey.”

Ang haba rin ng tawa ni Kakai Bautista.

Komento naman ni Kyla, “Hahahaha! Dami kong tawa dito ate. Relate na relate ako.”

Natawa rin si Jed Madela, gayundin ang marami pa niyang followers.

Hindi kami magtataka kung pagkatapos ng post ni Regine ay napakaraming magpadala sa kanya ng bagong tsinelas.

RossINTIMATE SCENES, ESSENTIAL SA ‘BOY BASTOS’

Masayang-masaya ang Viva talent na si Wilbert Ross na sa kanya ipinagkatiwala ng Viva Films ang napakalaking pelikula na Boy Bastos.

Bilang bida at title role sa pelikula, maituturing nga itong biggest break ng aktor/singer.

“Sobrang nakakatuwa, nakakakilig. Tuwang-tuwa po talaga ako at pinagkatiwala talaga nila sa akin ‘yung mismong pagiging Boy Bastos,” sey ni Wilbert sa digital mediacon ng pelikula kamakailan.

“Sobrang happy ko lang po talaga at sana po, may sumunod pang projects na dadating sa akin and maipapangako ko naman na gagawin ko lahat ng magagawa ko at gagawin ko po ‘yung best ko sa bawat trabahong ibibigay sa akin,” dagdag pa niya.

Sa Boy Bastos ay dalawang hot Viva stars ang leading ladies ni Wilbert na sina Jela Cuenca at Rose Van Ginkel kung saan ay pareho siyang may mga love scene.

Aminado si Wilbert na kinabahan siya habang kinukunan ang intimate scenes niya at inalala rin niya ang sasabihin ng kanyang nanay at tatay kapag napanood ng mga ito ang mga daring scene.

“Pero satisfied po ako sa ginawa ko, wala po akong regrets kasi alam ko po na kailangan siya sa shots, sa movie, sa scene at essential po siya,” sey ni Wilbert.

Mula sa direksyon ni Victor Villanueva, mapapanood na sa Feb. 18 ang Boy Bastos sa Vivamax.

Kasama rin sa pelikula sina Andrew Muhlach, Bob Jbeili at Rob Guinto.

AUTHOR PROFILE