Azi Larawan mula sa IG/Azi Acosta

Kuting

November 19, 2024 People's Tonight 111 views

TILA isang maamong kuting na kailangan ng himas ang awrahan ng Vivamax actress na si Azi Acosto sa isa sa kanyang Instagram post.

Banayad ang karisma ng sexy star sa mga larawang ibinahagi niya sa kanyang account, pero hindi nito napakalma ang nagwawalang mga barako na siya palagi ang pantasya.

Gusto man nilang paamuhin si Azi, pero parang mas bet ng mga kelot na ang hot actress ang humimas sa kanilang itinatagong mga “alaga.”

Makikita nga sa post si Azi na nakasalampak sa kama suot-suot ang white lingerie na para bang ready na sa bakbakang magaganap bago matulog.

Mala-anghel man ang datingan ng kanyang kariktan, parag halimaw naman ang kanyang kaseksihan. Petmalu ang pagbabandera ng aktres sa kanyang sexy body, talagang maaaninag ang kanyang perpektong korte.

Hindi na nga bago sa Vivamax actress ang pagkaguluhan, kaya sa kanyang comment section ay iba’t ibang lahi ang nagbibigay komento sa taglay niyang kaseksihan.

Bukod sa mga bagong proyekto niya, nauna nang nakilala si Azi sa kanyang pagganap sa mga palabas kabilang na ang Erotica Manila (2023), Sitio Diablo (2022) at Sugar Baby (2023).

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar