Kung talagang malakas si Leni bakit kailangang gumastos ng P4M para sa FB ads?

November 29, 2021 Marlon Purification 143 views

Marlon PurificationPAANO kaya ipapaliwanag ni Vice-President Leni Robredo na umabot na agad sa P4 million ang nagastos nilang advertisement sa Facebook?

Kitang-kita kasi ng netizens sa Facebook Ad Library kung magkano na ang ginagastos ng kampo ni Robredo para lamang makapagpa-ads sa FB.

August 4, 2020 nang magsimula sila umanong gumastos na gamit ang grupong ‘Dapat si Leni.’

Ibig sabihin nito, noong mga panahong iyon na panay ang tanggi ni Leni na wala siyang planong tumakbo sa pampanguluhan ay gumagastos na sila umanopara sa anunsiyo sa FB page.

Mula August 4, 2020 hanggang November 7, 2021 ay gumastos ang kampo ni Leni ng P167,668.

Ang halagang ito ay nakunsumo sa loob ng 15 buwan.

Pero noong November 7-13, ang kanilang nagastos sa FB page ay umabot ng P1.2 million na ang ibig sabihin ay araw-araw gumagastos sila ng P180,000.

May hiwalay pang grupo ang gumagastos umano sa FB ads para kay Robredo.

Ito naman ang Team Leni Robredo na gumastos na ng P1,999.817 simula noong August 2020.

Medyo mababa nga lang ang kanilang ginastos sa nakalipas na pitong araw dahil ang kanilang ginastos ay umabot lamang sa P14,876.

Kung baga, mas nagbuhos sila ng pondo sa ‘Dapat si Leni,’ kumpara sa ‘’Team Leni Robredo.’

Kung pagsasama-samahin natin ang lahat ng ginastos sa FB ads ni Leni ngayon simula August 2020, umabot na agad ito ng P3.9 million.

Take note, hindi pa pormal na nagsisimula ang kampanya para sa mga national candidates.

Kahit sinong netizen ay puwedeng i-click ang Facebook Ad Library ngayon at makikita rito ang pa-ads ng lahat ng pulitiko.

Medyo kakaiba lang talaga ang galaw ng pambato ng Pinklawan dahil kahit sa mismong Vlog ng Bongbong Marcos site ay nagpapa-ads umano sila.

Ano ‘yan, desperate moves?

Take note, mga ate at kuya, ang tinukoy ko dito ay gastos pa lang nila sa FB ads. Wala pa riyan ang nasa Youtube ads na malamang ay hindi rin nagkakalayo ang presyo.

Sa mga hindi nakakaalam, sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), top spender si Leni sa nagdaang vice-presidential race.

Sa isinumite nitong Statement of Contributions Expenditures (SOCE), gumastos ito ng P387 million.

Malayong hindi hamak sa ginastos ni former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na P100 millon plus lamang.

Kung babalikan naman ang FB ads ngayon, wala pa pong ginagastos sa ads sa mga online sites si BBM. Ang lahat ng mga FB page na nakikita natin ngayon ay initiative at gawa mismo ng kanyang mga supporters.

Ibig sabihin, sa sobrang lakas ni BBM, parang hindi na nito kailangan pang mag-ads sa FB o Youtube, samantalang si Robredo, ay pati sa BBM Vlogs ay nagpapa-ads umano sila.

Organic ang lahat ng socmed page ni BBM at hindi na nila kailangan magpa-ads pa o magpa-boosting para lamang lumakas ang FB page.

Iyong P3.9 million na konsumo sa FB ads ni Leni ay may 1.6 million na followers lamang. Samantalang si BBM na wala kasing singkong duling na ginagastos sa FB ay may 4.2 million pa agad.

Ang catch pa rito, ang isang FB Page ni Leni ay may 37 admins umano, samantalang ang Team Leni Robredo ay may 58 admins at dalawa sa mga ito ay mula mismo sa Singapore.

Sino kaya ang nagbabayad nito at bayad din kaya sila sa tax?