Default Thumbnail

Kung talagang kaya ng Pinklawan ng big rally bakit nilangaw ang EDSA anniversary?

March 7, 2022 Marlon Purification 419 views

Marlon PurificationSOBRA na talaga ang pagkadesperada ng kampon ng dilawan.

Pati mga rally nila ay pino-photoshop na rin ngayon upang palabasin na dinudumog ng tao ang kanilang campaign sortie.

Pero ang totoo, kakaunti lamang ito at iyong iba ay mga bayaran pa!

Mismong si Cavite Rep. Boying Remulla (7th District) ang nagsabi na karamihan sa mga dumalo sa rally sa General Trias, Cavite ay hakot at bayaran.

Ang bawat isa ay binigyan ng tig-P500 plus t-shirt at meryenda.

Iyong iba naman ay binukulan pa. Sa halip ibigay ang eksaktong P500 ay tig-200 na lang ang nakarating sa kanila bawat isa.

Ibig sabihin, kinatkong, ginupit at kinupit ng ilang local leaders ni Robredo ang perang dapat sana sa mga panggap na Leni supporters.

“Tapos ano, may jeep tapos meron silang staging area. May t-shirt, may uniporme, kumpleto. Kaya alam mo na hindi indigenous kasi naka-uniporme eh. Hinahakot eh. Ang uniporme nila siyempre pink. May mga jeep, may takip iyong karatula kasi hindi naman talaga tagaroon!,”ani Remulla.

Lahat na lang sa kampon ng dilawan ngayon ay nabubuhay sa imahinasyon.

Pilit nilang ini-imagine at ninanamnam na malakas ang manok nilang si Leni Robredo. Pero ang totoo, kakarampot lamang sila.

Iyong tipong sila na lang ang naniniwala na malakas talaga si Robredo pero ang totoo ay hindi!

Kung matatandaan, Nobyembre pa lang ng nakalipas na taon ay nagpakadalubhasa na sa ‘photoshop’ ang mga lugaw warriors.

Iyong isang Unity Ride sa Ilocos province ng puwersa ni Bongbong Marcos, Jr., ay nabuko na na-photoshop nina Robredo.

Bakit ba naman hindi, pati ang mukha ng lalaki sa picture ay nagkulay pink.

Kaya ang nangyari, maraming netizens ang nag-react na halos bumalandra sa pagmumukha ni Robredo ang galit ng mga taong nabiktima ng photoshop tactics ni Lugaw Queen.

Pansinin n’yo ring mabuti, lalo na iyong mga lumalabas na balita sa telebisyon.

Lahat ng kuha nilang video o still photo ay puro tight shot.

Ibig sabihin, kuha ito nang malapitan at hindi ‘wide angle.’

Ginagawa ang wide angle para makita ang kabuuang bilang ng mga nasa rally, pero naka-tight shot o mala-zoom ang anggulo nito para hindi makita na nilalangaw ang paligid nito.

Hanapin n’yo rin kung may kuha ba si Robredo na pinagkakaguluhan siya ng tao sa tuwing nakikipag-kamay ito.

Samantalang sa mga kuha kay Marcos ay talagang makikita mo kung gaano kainit ang pagtanggap sa kanya ng mga taumbayan.

Iyong mga motorcade ni Marcos ay talagang hindi makausad kasi gumigitna ang mga tao para lamang makamayan o masulyapan man lang siya ng mga tao.

Ngunit kina Robredo, wala kang makikitang tao sa motorcade tapos iyon pala ay nasa rally site na kasi mga hakot nga sila!

Ilang beses na bang napaulat na nasugatan ang mga kamay nina Marcos at Isko Moreno?

Si Leni kumusta naman?

Hindi ba waley?

Sa ganitong aspeto lang, makikita natin kung sino talaga ang malakas at nagsasabi ng totoo.

Eto pa ang catch, mga ate at kuya.

Kung talagang malakas si Robredo at kaya nitong mag-organisa ng malaking bulto ng supporters, bakit hindi nila sinamantala ang nakalipas na Edsa People Power anniversary noong nagdaang Pebrero 25?

Bakit mas pinili nilang mangampanya na lang sa Iloilo kaysa ipakita sa madla na malakas pa rin ang diwa ng Edsa?

May itinayo pang stage sa People Power Monument pero ang dumalo rito ay wala pang 1,000 katao.

Excited pa naman tayo kasi dito natin makikita kung anong kulay ba ang mamamayagpag sa Edsa anniversary – kung kulay dilaw ba o kulay pink na!

Pero wala pong nangyaring ganito kasi sila mismong sinasabing pasimuno ng Edsa ay hindi nagpakita sa nakalipas na anibersaryo nila.

Sa ganang akin, pagpapakita ito ng kahinaan ng kanilang puwersa.

Pagkakataon na sana nilang ipagbunyi uli ang Diwa ng Edsa at ipakita kung gaano karami pa rin ang naniniwala kay Robredo ngunito hindi nila ginawa.

Sabagay, magtaka pa ba tayo. Eh iyong kulay dilaw nga ibinasura nila saka niyakap ang kulay pink.

Kasi alam nila, kapag nanatili sila sa kulay ng mga Aquino, ang diretso nila lalo ay inidoro!