Julia

Kung ikakasal sina Julia at Gerald, si Dennis ba ang maghahatid sa altar?

February 24, 2024 Eugene E. Asis 136 views

DennisKUNG si Julia Barretto ang tatanungin, gusto na niyang mag-settle down. At her age (26 going on 27 on March 10, 2024), masasabing bata pa siya sa panahong ito na umakyat ang marrying age ng mga artista. Madalas na naririnig natin ang mga salitang ‘marami pa akong pangarap na gustong matupad.’

Pero, tawagin na nating pag-ibig ang nararamdaman ngayon ni Julia. Marahil, nakita na niya kay Gerald Anderson ang lahat ng mga katangian ng isang lalaki na gusto niyang makasama habambuhay.

Bukod sa guwapo, lalaking-lalaki, at responsible sa buhay, mapagmahal itong anak. May business sense. At nasa tamang edad na (34 going on 35 on March 7, 2024) para mag-asawa.

Makikita rin sa mga vlog ng kanyang ina na si Marjorie Barretto na kasundong-kasundo na ng kanyang pamilya si Gerald.

At gusto rin marahil ni Julia na ma-enjoy na ang pagiging ina na nakakasama pa ang mga anak habang bata pa. Tulad ng kanyang ni Marjorie. Na sa kabila ng mga pinagdaanang hirap, makikitang masaya na ngayon sa piling ng mga anak.

So, ito kaya ang dahilan kung bakit unti-unti na ring binubuksan ni Julia ang komunikasyon sa pagitan nila ng estranged father niyang si Dennis Padilla?

Sa isang report ng kaibigang Jojo Gabinete, nag-message si Julia kay Dennis noong kaarawan ng huli, February 9.

Sa report ni Jojo: Tatlong araw bago sumapit ang ika-62 na kaarawan ni Dennis, o noong Pebrero 6, nag-post siya sa Instagram ng mga larawan ng kanyang mga anak na sina Julia at Claudia.

Nilagyan ito ni Dennis ng caption na “Miss You Anak…God bless your more.” Nilapatan din niya ito ng awitin na “Love Is All That Matters.”

Hindi nabale-wala ang post ni Dennis dahil nagkaroon ito ng magandang resulta sa araw ng kanyang kapanganakan.

Maikli, pero nagsilbing mahabang panahon ng kaligayahan para sa isang sabik na ama ang mensahe ng matagal nang di nakikitang anak.

“Julia, thank you at nag-text ka sa akin nung birthday ko,” sabi raw ni Dennis..

Ano ang kaugnayan?

Kung may balak nang pakasal nina Julia at Gerald, sino ba ang maghahatid sa dalaga sa altar?

Iniisip, pero hindi pa siguro napagdedesisyunan, na ang ama ang maghahatid sa anak na babae sa mapapangasawa nito sa harap ng altar. At kapag nangyari ito, marahil ay ito na ang pinakamasayang sandali sa buhay ni Dennis.

Wishful thinking, pero imposible bang mangyari, Julia Francesca Barretto Baldivia?

AUTHOR PROFILE