Default Thumbnail

Kumuha ng police clearance tiklo sa frustrated murder

April 12, 2025 Christian D. Supnad 202 views

IBA, Zambales–Arestado ng mga pulis dito ang isang suspek sa frustrated murder matapos kumuha ng police clearance noong Huwebes.

Ayon sa ulat kay P/Col. Benjamin Ariola, Bataan police director, nahuli ang lalaki nang makita sa record ng national police clearance system na may kasong frustrated murder noong September 29, 2011.

May warrant of arrest laban sa akusado mula sa Regional Trial Court, Branch 63 ng La Trinidad, Benguet, ayon sa report.

Nakakulong ang akusado sa Subic police station.

“Ipinapakita na epektibo at maaasahan ang pagkakalunsad ng National Police Clearance System sa modernong teknolohiya,” ani Col. Ariola.