
Kumpanyang sangkot sa oil spill, dapat na magbigay din ayuda — Yap
HINIMOK ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap ang kumpanya ng lumubog na MT Princess Empress na magbigay din ng ayuda sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro.
Ayon kay Cong. Yap, “napapansin ko na pawang gobyerno lang ang nagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng oil spill at walang pakunswelo man lang ang kumpanya ng barko”.
“Kahit man lang tig-two kilos na lang ng bigas, siguro makakatulong na sa mga biktima ito”, ani Yap.
Dagdag pa ng mambabatas, “karamihan pa naman sa mga apektado ay pangingisda ang hanap-buhay. I am sure wala silang kita ngayon”.
Pahabol ni Yap dapat na ring bilisan ang clean-up para hindi na umabot sa iba pang isla.
AUTHOR PROFILE
Miscellaneous
JCI Philippine-New York continues founders’ legacy of empowering the youth to create positive change
March 21, 2023
Tess Lapuz-Lardizabal
March 20, 2023
People's Tonight