Gloria

Kumalat na last will and testament dinenay ng pamilya ni Tita Glo

January 30, 2025 Vinia Vivar 56 views

Mariing pinabulaanan ng pamilya ni Gloria Romero ang kumalat sa social media tungkol sa umano’y last will and testament ng yumaong Queen of Philippine Movies.

Sa ulat ni MJ Marfori ng TV5, nakausap niya ang pamilya ni Tita Glo at nilinaw ng mga ito na isang malaking fake news ang kumalat na balita. Misleading, walang basehan at wala raw ebidensya ang nasabing ulat.

0Ayon sa kumalat na pekeng balita, may mahigit P700 million si Tita Glo sa bangko at ang ilang porsyento umano nito ay gagamitin sa pagpapatayo ng isang provincial high school at pagtulong sa charitable institutions.

Ayon sa ulat ay nakikiusap ang pamilya na bigyan sila ng pagkakataong makapagluksa nang payapa.

Samantala, na-cremate na ang mga labi ni Tita Glo sa Arlington Memorial Chapels & Crematory nitong Miyerkules.

Pumanaw ang Reyna ng Pelikulang Pilipino noong January 25 sa edad na 91.

AUTHOR PROFILE