
Kulong na, arestado pa sa murder
MULING inaresto ng mga operatiba ng Manila Police District ang 38-anyos na lalaki dahil sa kasong pagpatay habang nakakulong na sa custodial facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-NCR sa Old Bilibid Compound sa Quezon Blvd., Sta. Cruz, Manila noong Lunes.
Ayon sa report ng pulisya, bandang ala-1:40 ng hapon ng arestuhin ang suspek na si alyas Pandong Guerrero sa nasabing piitan.
Inaresto ang suspek para sa kasong murder base sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Marivic Balisi-Umali, Presiding March Judge ng Regional Trial Court Branch 20, Manila.