Default Thumbnail

Kubrador ng tubig nagbigti

August 16, 2022 People's Tonight 329 views

ISANG 25 anyos na kubrador ng tubig ang pinaniniwalaang nagbigti sa loob ng bahay nito sa Baseco Compound , Port Area, Manila Martes ng madaling araw.

Batay sa ulat ni PLt.Dennis De Jesus, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 2 a.m. nang madiskubre ang biktima na nakabigti sa ikatlong palapag ng bahay ng kanyang ama.

Agad ipinagbigay alam ang insidente sa barangay officials na nagparesponde sa MPD- Baseco Police Station 13. Inireport din ito sa tanggapan ni Lt.De Jesus..

AUTHOR PROFILE