Kristel sinagot na ang Korean suitor matapos magpa-convert sa INC

November 30, 2024 Aster Amoyo 57 views

Pic1Pic2SA unang pagkakataon ay official nang may boyfriend ang dating Kapamilya actress, singer at content creator na si Kristel Fulgar, ang South Korean national na si Su Hyuk Ha na matagal-tagal na rin niyang kaibigan at suitor na hindi niya masagot hangga’t hindi ito nagpapa-convert sa pagiging miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC), ang relihiyon na kanyang kinabibilangan.

Mahal na mahal ni Su Hyuk-ha si Kristel kaya hindi ito nag-dalawang isip na magpa-convert sa INC tulad ng ginawa noon ng actor-entrepreneur na si Christopher Roxas sa kanyang wife na si Gladys Reyes.

Napaiyak naman sa tuwa si Kristel sa ginawa ng kanyang mabait, thoughtful at matiyagang manliligaw kaya ibinigay na rin niya ang pinakahihintay nitong pagsang-ayon bilang girlfriend.

Hindi nagkaroon ng nobyo si Kristel since birth kaya ngayon lamang niya nararamdaman ang magkaroon ng boyfriend.

Ito ay magsisilbing maagang birthday gift sa actress-vlogger who will turn 30 on December 29.

Si Kristel ay sa South Korea na naka-base kung saan siya nag-aral ng Korean language sa Sogang University, one of the most prestigious private schools in Seoul. Pumirma rin siya sa isang talent agency in South Korea, ang Five Stones Entertainment who arranged for her TV guesting sa nasabing bansa.

Adjusted na rin ang aktres sa kanyang mag-isang buhay sa South Korea kumpara nung bagong dating siya roon kung saan niya natutunan ang pagiging independent sa lahat ng bagay.

Once in a while ay umuuwi siya ng Pilipinas o kung hindi man ay pinapupunta niya ang kanyang mama (Emily) sa South Korea. Madalas ding mag-travel ang mag-ina sa ibang bansa outside of the Philippines and South Korea.

Richard at Daniel matindi ang unang pagsasama

Pic3Pic4Pic6UNANG nagsama sina Daniel Padilla at Richard Gutierrez sa drama-fantasy series na “La Luna Sangre” under ABS-CBN na ipinalabas nung 2017 up to 2018. Ang dalawa ay muling magkasama sa hard-core action-drama series na “Incognito” kung saan silang dalawa ang mga pangunahing bituin si Ian Veneracion gayundin sina Baron Geisler, Kaila Estrada, Maris Racal at Anthony Jennings

Malayo na rin ang achievement ni Richard sa paggawa ng action-drama series matapos maging malaking tagumpay ang kanyang “Iron Heart” nung isang taon. Sa nasabing serye siya unang nahasa sa mga action scenes, fight scenes pati ang paghawak ng baril. Pero mas matindi sa “Iron Heart” ang “Incognito” na ang mga eksenang makikita sa trailer ay kinunan pa sa Italy.

Although may background na sina Ian at Richard sa paggawa ng mga action scenes at paghawak ng baril, sumailalim pa rin sila sa apat na buwang training along with the rest of the cast for tactical moves, combat, martial arts at iba pa. Dahil dito ay nakabuo umano sila ng kakaibang bonding.

Ian being an action star during the 90s ay nagibibigay din ng tips sa kanyang mas nakababatang mga kasamahan sa serye.

“I must say na itong “Incognito” ang biggest action (series) na nagawa ko since the 90s,” pahayag niya at the presscon ng serye na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN nung nakaaang Huwebes (Nov. 29) ng gabi.

Ipinagmamalaki rin ng actor, singer and pilot na kaya na umano nating makipagsabayan sa mga foreign series sa ganda ng pagkakagawa ng “Incognito” na pinamamahalaan ni Direk Lester Pimentel na isa rin sa mga director ng “Iron Heart” ni Richard (2022 to 2023).

Ipinagmamalaki naman ni Daniel Padilla ang “Incognito” na tiyak umanong ikakagulat ng kanyang amang si Rommel Padilla at iyuhing si Sen. Robin Padilla na naging action superstar nung kanyang kapanahunan.

Ang “Incognito” ay first TV project pareho nina Daniel at Richard since their respective break-ups sa kanilang dating partners na sina Kathryn Bernardo at Sarah Labahti.

Daniel is said to be dating a non-showbiz girl habang si Richard naman ay nali-link ngayon sa young Kapamilya actress na si Barbie Imperial.

Ang “Incognito” ay matutunghayan na sa Netflix on January 17, 2025 na susundan ng iWant TFC on January 18, 2025 habang mapapanood naman ito on free TV sa TV5 and A2Z along with Kapamilya channel, Jeepney TV at iba pang digital platforms ng ABS-CBN on January 20, 2025 on primetime.

Ian may sikreto kung bakit maraming alam

Pic5SAMANTALA, kaya pa rin ni Ian Veneracion na makipagsabayan sa mga kabataang actor ngayon kahit malalaki na ang kanyang mga anak.

Si Ian ay nagsimula bilang child star in 1982 sa pamamagitan ng “Joey and Son” na pinagsamahan nila ni Joey de Leon. Four years later in 1986 ay naging bahagi siya ng “That’s Entertainment,” isang youth-oriented program on GMA na pinagmulan ng napakaraming stars na ang marami sa kanila ay aktibo pa rin sa showbiz hanggang ngayon.

It was Robbie Tan’s Seiko Films ang sumugal kay Ian bilang batang action star.

Bukod sa pagiging actor at singer, si Ian ay isa ring athlete, licensed private pilot. Isa rin siyang skydiver, scuba driver, paragliding pilot and also into outdoor activities tulad ng race car driving, trail riding, climbing, sailing, recreational fishing at marami pang iba.

Ang pagiging althlete helps him look young.

Kuya Kim bakit maraming alam

Pic8BUKOD sa daily variety show na “Tiktoclock,” si Kim Atienza ay magkakaroon ng sarili niyang infotainment program on GMA, ang ‘Dami Mong Alam, Kuya Kim” under GMA Public Affairs na mapapanood every Saturday at 10:45 p.m. simula kahapon, November 30. Ibabahagi ni Kuya Kim ang kanyang mga kaalaman sa maraming bagay na magsisilbi ring educational sa mga manonood.

The 57-year intelligent and sharp-witted graduate from the University of the Philippines ay mahilig magbasa ng mga libro since he was a young boy kaya marami siyang alam.

One word title epektibo kay Direk Bobby

Pic7AMINADO si Direk Bobby Bonifacio, Jr. na ang big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario, Jr. umano ang nag-suggest na gawing one word lamang ang titulo ng kanyang mga ginagawang pelikula under VMX dahil mas may dating umano ito which he agreed.

“Silip” ang titulo ng bagong VMX movie ni Direk Bobby kung saan tampok sina Karl Aquino, Rica Gonzales, Lea Bernabe at Alvaro Oteyza.

Bukod sa “Silip” now streaming on VMX ay siya rin ang nagdirek ng “Bula,” “Uhaw,” “Ungol,” “Kiskisan,” “Salitan” at iba pa.

Ang “Silip” ay mula sa panulat ng writer at VMX sexy actress na si Quinn Carillo.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTAlK with Aster Amoyo” and “Inside SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE