Kris walang masama kung babalik pero…
HATI ang opinyon ng mga nakakausap namin hinggil sa diumano’y bantang pagbabalik ni Kris Aquino sa talk show hosting.
Sa totoo lang, wala naman masama kung bumalik sa showbiz si Kris. Ito naman kasi ang mundong kinalakihan niya. At dito siya minahal ng kanyang fans. But not until she is fully recovered.
Unahin muna sana niya ang sarili niya at i-prioritize ang health niya. Of course, she knows better than us. Kaya kahit anong payo pa natin sa kanya na magpahinga muna, hindi naman niya pakikinggan ang mga ito.
Mahirap talaga talikuran ang isang bagay na mahal mo. Like her, being in the limelight is her life. Accordingly, Kris is now prepping up for her TV comeback. Pero sa obserbasyon ko parang ‘di masyadong pinag-usapan ito. Of course, Kris knows how to reinvent herself. Kaya tiyak na pasabog ang kanyang pagbabalik telebisyon.
But if I were her, she should explore other and more relevant options. Hindi na uso ang talk show ngayon. Lahat nga may online show na. Pati lahat ng artista, may kanya-kanyang channel na. Sa talino niya, marami pa siyang pwedeng gawin bukod sa talk show.
Bakit hindi na lang niya i-enjoy ang privacy niya, away from the limelight? Just asking…