Kris1

Kris, sasailalim sa chemotherapy … I’m not yet dead, I’m going to fight to stay alive

May 16, 2022 Ian F. Fariñas 96 views

“I’m not yet dead, I’m going to fight to stay alive.”

’Yan ang mariing binitawan ni Kris Aquino sa isang video upload sa kanyang Instagram account kahapon matapos ang mahigit isang buwan na pananahimik sa social media.

Ginawa ni Kris ang paglilinaw dahil umano sa mga kumakalat na tsismis na kesyo na-confine siya, nag-aagaw-buhay at nasa ICU.

Ayon sa kanya, kuha ang nasabing video nu’ng Biyernes, isang araw bago siya dapat lumipad pa-abroad para sa treatment ng kanyang sakit.

Pero naurong ang biyahe ng grupo ni Kris sa Huwebes, May 19, dahil sa ilang procedures na kailangang gawin bago siya umalis ng bansa.

As it is, sinabi niya na tatlo ang kumpirmadong autoimmune conditions niya at isa rito ay nasa late stage 3 na kaya kailangang mag-infuse ng chemotherapy bilang immuno suppressant.

Sa deskripsyon ni Kris, delikado ang lagay ng kanyang kalusugan sa ngayon at nangangamba ang mga doktor niya sa posibilidad ng pagkakaroon niya ng organ damage sa puso o baga.

Ang isa pang nagpapahirap sa gamutan ay ang pagiging allergic niya sa lahat ng klase ng steroids.

Paliwanag ni Kris sa caption, “Pasensya na, hindi po ako sigurado if my video made sense. Mula end of April, we found out life threatening na yung illness ko.

“i’ve always been proud of my honesty & courage. Ginusto ko na maka lipad sana ng tahimik pero utang ko po sa mga nag darasal na gumanda ang aking kalusugan ang mag THANK YOU & to tell the TRUTH.

“Kayo na lang please ang mag research — 3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the — meron po akong vasculitis, to be very specific — late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA.

“My team of doctors here & abroad (we’ve been closely consulting with a Filipino-American doctor and his team in Houston, Texas. Here the majority of my doctors practice in St Luke’s BGC and/or Makati Medical Center except my neurologist who has clinics in Asian, Perpetual & Medical City). They are all worried about organ damage in my heart & in my lungs. Kaya lahat ng paraan sinubukan for me to get to Houston soonest. Yung gamot that God willing can help save me doesn’t have FDA approval here or in Singapore & isasabay na po mag infuse ng chemotherapy as my immunosuppressant. Why? Allergic po ako sa lahat ng steroids.”

Nakiusap din si Kris sa netizens, lalo na sa mga basher at hater, na: “Not for my sake, pero for my 2 sons, 1 in the autism spectrum & 1 only 15- kung balak nyo pong mambastos or mag comment ng masakit o masama, sa mga sarili nyo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin.

“Hindi nyo po ako kailangan gustuhin para magpakatao… please don’t punish kuya & bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan.”

Ilang celebrity friends naman ang nagpahatid ng concern kay Kris sa comment section gaya nina Vina Morales, Derek Ramsay, Neri Miranda, Bernadette Sembrano, Francis Libiran, atbp.

AUTHOR PROFILE