Kris

Kris nahirapang gumising sa bagong gamot

February 26, 2025 Vinia Vivar 138 views

Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nagpakita na ulit sa publiko si Kris Aquino nitong Martes, Feb. 25.

Base sa ulat ng GMA, dumalo ang dating TV host/actress sa People Asia People of the Year 2025 awards night bilang suporta sa kaibigang si Michael Leyva.

Ito ay sa kabila ng mga karamdaman ni Kris na ilang taon na rin niyang iniinda.

Makikita sa video na nakasuot si Kris ng pink blazer, floral skirt at yellow na panloob with matching yellow face mask.

Ayon kay Kris, ayaw niyang ma-miss ang importanteng araw na ’yun para sa kaibigang fashion designer na isa nga sa mga awardee sa nasabing event.

“He’s more than just a friend. He’s like the younger brother I never had. There are people who say na, ‘I will be there for you’ or ‘maaasahan mo ako.’ But Michael has proven that so many times and in so many ways,” sey ni Kris.

“And he gave his two cars for us. Nakompromiso ka na,” dagdag pa niya.

“I want to congratulate rin talaga,” sambit pa niya.

Bale ba ay sakto rin ang public appearance na ito ni Kris sa 39th anniversary ng historical EDSA People Power Revolution na, as we all know, ay naganap noong 1986 dahil sa assassination ng kanyang amang si former Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Nang matanong si Kris about this, “I actually thought today is the 24th, tomorrow pa ‘yung 25. He was the one who told me. Sabi niya (last night) ‘Ano ka ba, bukas yung…’ So, sabi ko, ‘Perfect!’

Talagang perfect coming out.”

Nag-sorry din siya sa pagdating nang late sa event na kanyang dinaluhan, “They had trouble waking me up because I started a new medicine last night.”

Natanong din si Kris kung kumusta na ang kanyang health at pag-amin niya, “I’m not so okay. Nahihilo ako.”

Matatandaan na bago ito, huling nakita si Kris in public noong 2022 nang i-endorse niya ang kandidatura ni former Vice President Leni Robredo sa isang rally sa Tarlac.

AUTHOR PROFILE