Kris

Kris naglabas ng pruwebang buhay pa siya

December 22, 2024 Vinia Vivar 131 views

Naglabas ng resibo si Kris Aquino upang patunayan na hindi totoo ang tsikang pumanaw na siya.

Sa Facebook account ng best friend niyang si Dindo Balares ay makikita ang latest photo ni Kris kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby na padala mismo sa kanya ng dating TV host/actress.

“Para po ito sa mga nangungumusta sa kalagayan ni Kris Aquino.

Ipinadala niya ito kahapon habang magka-chat kami,” simula ng best friend ni Kris at dating entertainment editor.

Tsika pa niya, panay ang tulog lately ni Kris at tuloy-tuloy pa rin ang gamutan.

“Nagiging antukin si Krissy kaya panay ang tulog. Sabi ko, sana bumabawi na ang kanyang katawan, lalo na’t umaayos na ang panlasa niya.

Madalas pa ring may masasakit sa katawan, 24/7 naka-monitor ang blood pressure at heartbeat, at tuloy ang gamutan,” aniya.

Ang sabi umano ni Tetay, “But we’re together – that’s what matters. And I’ll do everything for us to be together longer. Alleluia.”

Nauna rito ay pinabulaanan na rin ni Ogie Diaz ang tsika base naman sa nakausap niyang isa pang friend ni Kris.

“I asked Tita Mary Ann Opeña, isang napaka-close kay Kris Aquino. Tinawagan niya agad si Alvin, ‘yung secretary ni Kris, at natawa na lamang si Alvin,” sey ni Ogie sa kanyang vlog.

Nagsimula sa blind item ang tsikang pumanaw na si Kris recently. Isang netizen ang nag-post ng blurred photo ng isang babae pero makikita na kamukha ito ni Kris.

“If it is true, why keep it a secret? Are they keeping a secret?” ang caption ng netizen.

May isa namang nag-post din ng “Hanggang kalian maitatago ang pagpanaw ng isang high profile celebrity?”

STANDING OVATION

Limang araw na raw hindi nakakatulog si Vic Sotto dahil sa sobrang kaba at excitement sa pelikula nila ni Piolo Pascual na “The Kingdom,” isa sa 10 official entries sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ani Bossing sa ginanap na red-carpet premiere ng pelikula last Friday, “Limang araw na akong hindi nakakatulog. That’s because I’m excited and at the same time, nandu’n ang kaba. And seeing my friends and family here, supporting me, supporting the film, supporting everyone, nakakatanggal ng kaba, nakakadagdag ng excitement.”

In fairness, sa “The Kingdom” ay makikita natin si Vic na umalis sa kanyang comfort zone dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood siya portraying a serious role, malayong-malayo sa mga papel niya sa comedy films na nakasanayan niyang gawin.

Ginagampanan ni Bossing sa pelikula ang papel na Lakan Makisig, hari ng isang bansa (a reimagined Philippines). Sa isang heavy drama scene nga ay pinalakpakan siya ng audience for pulling it off.

Kakaiba rin naman ang role rito ni Papa P dahil deglamorized siya pero mind you, kahit madungis at mahirap siya, ang guwapo pa rin niya, ha!

Dalawang beses pinalakpakan ng audience sina Vic at Piolo sa mahusay nilang performance at sa ending ay binigyan ng standing ovation ng mga nanood ang pelikula.

Part of the stellar cast are Cristine Reyes and Sue Ramirez as the princesses Dayang Matimyas and Dayang Lualhati, respectively, and Sid Lucero as Magat Bagwis, whose aspirations and conflicts drive the kingdom’s intense power struggle.

Ruby Ruiz shines as the Babaylan, the spiritual heart of the realm, while Cedrick Juan’s portrayal of a young Lakan Makisig unveils the monarchy’s turbulent history.

Supporting performances by Zion Cruz, Iza Calzado, Art Acuña, Giovanni Baldisseri, and Nico Antonio further enrich the film’s intricate narrative.

Samantala, pinagkaguluhan naman ng media sa premiere night ang pagdating ni Dominic Roque bilang suporta kay Sue. Dito ay inamin niya na nasa dating stage sila ng aktres.

Dumalo rin si Marco Gumabao bilang suporta naman sa kanyang girlfriend na si Cristine.

Agaw-eksena rin ang pagdating ni Ai-Ai de las Alas para suportahan si Bossing Vic na aniya ay na-miss niya.

Isa pang nang-agaw ng eksena ay ang panganay na anak nina Bossing at Pauleen Luna na si Tali. Nagtawanan ang lahat nang bigla siyang sumigaw ng pagkalakas-lakas na “Daddy!” nang pumasok na si Vic sa sinehan. Naiyak din ang bagets pagkatapos ng screening dahil akala niya ay totoo ang lahat ng kanyang napanood sa movie.

Matindi rin ang suporta ng buong pamilya ni Vic dahil in full force silang dumalo sa premiere night. Dumating ang mga kapatid ni Bossing sa pangunguna ni Tito Sotto.

Naroroon din ang mga anak ni Vic na sina Oyo Sotto and kids, Danica Sotto and kids at si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Showing na sa mga sinehan ang “The Kingdom” sa Araw ng Kapaskuhan.

Mula sa direksyon ni Mike Tuviera ito ay jointly produced ng MQuest Ventures Inc, M-Zet TV Productions, at APT Entertainment Inc.

AUTHOR PROFILE