Kris

Kris, nadadalas ang hugot sa lovelife

June 6, 2021 Vinia Vivar 145 views

Nadadalas ang hugot ni Kris Aquino sa lovelife na hindi malaman kung sino ang pinatutungkulan pero name-mention niya lately si Batangas Vice Governor Mark Leviste na on and off na nali-link sa kanya.

Sa recent Instagram post ni Kris ay ikinuwento niya na ipinakilala ni VG sa kanya ang may-ari ng isang flower shop named “Sheryl” pero ang sabi raw sa kanya ng politiko ay “Cherry” ang name nito.

Kaya ang payo ni Kris, kapag ang isang lalaki raw ay nagpapalit-palit ang pangalan ng girls at gumagamit ng lumang modelo ng cellphone, senyales daw ito na player ang guy.

“No intriga BUT red flag na for the girls out there, if a guy mixes up names of girls & he uses a phone na 5 models ago — medyo sure sign na he’s a player.

“Said this several times on kris tv, no offense meant but if the guy can afford pero hindi maganda ang phone means gusto ng ‘disposable’ para pag may nahuli, madali to drop the phone, step on it, and no more evidence,” ang saad ni Kris.

Inamin naman niyang may hugot at heartache pa siya’t nagpapagaling pa ng puso na again, hindi malaman kung bagong pain ba ito or ’yun pa ring dati.

“Yes may #hugot & may BUT.. thIs is my heartache, not yours — so please be HAPPY & if you are in a LOVING relationship, cherish & take care of it. Life has taught me, a heart will heal, it just takes TIME and the ability to let go of all you thought could have been,” pagtatapos niya.

AUTHOR PROFILE