Krismel

Kris-Mel romance game over agad

January 4, 2022 Aster Amoyo 537 views

IT’S over between engaged couple Kris Aquino at ang dating Department of Interior and Local Government Secretary (under his late brother, former President Noynoy Aquino’s term) and politician na si Mel Sarmiento. Ito ang agad napansin ng netizens nang biglang mawala sa Instagram posts ni Kris ang pictures na kasama niya ang dating politician at cabinet secretary.

The ever controversial host-actress shared her engagement with Mel last October 24, 2021 at inasahan nang kanyang supporters na ito’y mauuwi sa kasalan. Pero hindi na ito mangyayari dahil sa pagpasok ng bagong taon ay hiwalay na ang engaged couple.

Narito ang latest post ni Kris sa kanyang Instagram account:

“I want to spare myself and my loved ones from further rumors & speculation. My health has continued to deteriorate, and I will soon fly abroad for further diagnostic tests and if needed, do all the treatments and procedures to help address my drastic weight loss (I now weigh 88 lbs./40 kilos) and if still possible, strengthen my immunity. From last quarter of 2018, I’ve long known that my autoimmune conditions could only be treated BUT never cured….

“I have accepted the TRUTH, many complications from having autoimmune may arise, especially because I am immunocompromised and we have been forced to live with a nearly 2 year worldwide pandemic.

“My faith in God has taught me I must completely surrender all, to His Will and His Timing.”

Nalungkot naman ang supporters ni Kris sa maagang paghihiwalay ng engaged couple na tumagal lamang ng ilang buwan.

Lingid sa anumang bagay, gusto ni Kris na mag-focus sa kanyang health na siya ring primary reason noon kung bakit siya nag-resign sa kanyang dating daily morning show sa ABS-CBN, ang “Kris TV” in April 2016.

Ang isang ipinagpapasalamat ni Kris ay kasama niya ngayon ang kanyang panganay na anak na si Joshua gayundin ang kanyang bunsong anak na si Bimby na kahit kelan ay hindi humiwalay sa kanya.

DiegoDiego naiwan si Barbie para magbakasyon sa US

WALANG alinlangan na ang 26-year-old young actor na si Diego Loyzaga ay isa sa busiest actors nung nakaraang taon having completed seven films under Viva Films all shown on Viva’s own streaming platform, Vivamax. Kasama na rito ang pelikulang “Dulo” na pinagtambalan nila ng kanyang girlfriend na si Barbie Imperial, ang “Dulo” mula sa panulat at direksiyon ng ex-PBB housemate na si Fifth Solomon at ipinalabas sa Vivamax nung December 10 na siyang nagsilbing first anniversary gift sa magkasintahan. The young couple celebrated their first anniversary bilang magkasintahan last December 11 sa Sirom Beach House in Pangasinan.

Nung nakaraang Christmas naman ay nasa bahay siya ng mag-asawang Billy Crawford and Coleen Garcia while Barbie was with her family.

Last December 30 ay lumipad si Diego patungong Amerika for a much needed vacation. He’s touring the US kasama ang ilang kaibigan. Mula Los Angeles, California and Las Vegas, Nevada ay nasa New York City siya ngayon since yesterday. Early February 2022 pa umano ang kanyang balik sa Pilipinas.

Samantala, kahit tapos na ang Christmas holidays at pumasok na ang bagong taon ay hindi pa rin nag-uusap hanggang ngayon ang mag-amang Diego at Cesar Montano.

Net25 umaariba

PATULOY ang pagiging aggressive ng Net25 sa pagpu-produce ng mga bagong entertainment programs. Simula sa darating na Linggo, January 9 at 8 p.m. ay mapapanood na ang “Quizon CT (Comedy Theater)” gag show na tatampukan ng Quizon siblings na sina Eric, Epy at Vandolph Quizon na magkatulong na pamamahalaan nina Eric at Epy. Kasama rin sa nasabing gag show ang misis ni Vandolph na si Jenny Quizon, Gene Padilla, Bearwin Meily, Mart Escudero, Gary Lim, Tanya, Charush at Billie Hakenson.

Bukod sa “Quizon CT,” nariyan din ang feel-good reality show hosted by Aga Muhlach, ang “Bida Kayo kay Aga” na mapapanood ding tuwing Linggo ng gabi at 6 p.m. habang araw-araw namang mapapanood (Mondays-Fridays) ang “Shopping All the Way with Jojo A.” hosted by actor-host na si Jojo Alejar.

Naging matagumpay naman ang isinagawang #2022getherSaNET25 Year End countdown na ginanap sa Philippine Arena kung saan maraming netizens ang nakapag-uwi ng maraming premyo tulad ng isang brand new car, iPhone 13, Samsung s21 phone, limang winners ng P100,000; dalawang winners ng P50,000 each, limang winners ng P25,000; 25 winners ng P10,000 each at 25 winners ng P10,000 each. Ang mga guest performer include Kean Cipriano, JM Bales, Ruru Madrid, rapper na si Rapido, ang acoustic singer na si Princess Velasco, ang lead vocalist ng South Border na si Jay Durias, among others. Naroon din ang cast ng “Quizon CT” na sina Eric Quizon, Epy Quizon, Vandolph Quizon at Jenny Quizon. Ang nasabing countdown ay pinangunahan ng “Kada Umaga” morning show hosts na sina Pia Guanio-Mago, Emma Tiglao, Maureen Schrijvers, Tonipet Gaba at Wej Cudiamat kasama si Alex Calleja. Nagkaroon din ng 30-minute fireworks display at ang paglitaw ng lumilipad na `Agila’. Ang Mayonnaise Band ang nagsara ng year-end countdown.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE