Kris

Kris, may ‘pa-nude’ post sa IG

September 26, 2021 Vinia Vivar 3082 views

Ginulat ni Kris Aquino ang milyong followers sa Instagram sa kanyang pa-nude photo para sa kanyang soap endorsement.

Makikita sa kanyang IG post ang larawan niya habang nakahubad na naliligo sa banyo (with matching bula and all) na nakatalikod sa camera kaya likod lang naman ang nakita at half-body lang naman ang shot kaya walang butt exposure.

Sa mahabang caption ay ipinaliwanag ni Kris na kuha ang larawan a day before her brother, former President Noynoy Aquino, died kaya hindi muna niya ito ipinost noon.

“It’s reassuring to know during difficult times that there’s someone who has your back… the truth is, i shot this pic the day before my brother died, and my Safeguard family understood we needed to wait until enough time had passed for my upload.

“I appreciated their compassion and the truth is now more than ever, vital part ng buhay natin ang germ protection na bigay ng trusted kong Safeguard.

“Maraming nagbago sa buhay ko since this pic was taken: may sobrang lungkot, may very stressful, (someone special to my brother & now me was in ICU BUT survived), and may special & unexpected,” pahayag ni Kris sa caption.

She also announced na ang talent fee niya para sa nasabing endorsement ay ido-donate niya sa ating health workers.

“Alam ko ang ilan sasabihin dapat tahimik ko ‘tong ginawa pero kung hindi ko ‘to i-post, hindi makakalampag yung kailangan makarinig that it’s our responsibility to have our fellow Filipinos’ backs.

“In its entirety, i’m donating my talent fee from this post for our govt healthcare workers who are yet to get their backwages (we are in contact with PGH) and i’m giving the rest sa Malabon program: Karinderiya para sa Kalusugan nI Chikiting.

“Naniniwala pa rin ako na may kinabukasan ang … Kaya para sa mga bumubuhay sa ‘tin ngayon at para sa dapat mabuhay na malusog para makabangon tayong muli, kayo ang pinili ko,” saad pa ni Kris.

AUTHOR PROFILE