Kris ipapasok na sa ospital

February 22, 2024 Aster Amoyo 140 views

Kris1AS we’re writing this column, napag-alaman namin kay Batangas Vice-Governor Mark Leviste na nakatakdang pumasok ngayong araw ng UCLA Medical Center in Los Angeles, California, USA ang kanyang kasintahang si Kris Aquino na patuloy na nakikipaglaban sa kanyang autoimmune diseases na umabot na sa maraming complications.

Muling lumipad patungong L.A. si VG Mark last February 9, 2024 in time for Kris’ birthday nung Valentine’s Day, February 14. A day before Kris’ birthday na February 14 na sa Pilipinas ay humarap ito for the first time sa isang exclusive interview via zoom sa programa ng kanyang best friend at dating kasamahan sa programang “The Buzz” at “SNN” on ABS-CBN, ang King of Talk na si Boy Abunda, ang “Fast Talk” on GMA kung saan inamin ng tinaguriang Queen of All Media ang kanyang present health condition. Inamin ni Kris na very challenging ang next six months para sa kanyang kalusugan na hindi nagpapakita ng improvements since she had her recent blood panel result.

Patuloy na humihingi si Kris ng panalangin na sana’y madugtungan pa ang kanyang buhay alang-alang sa kanyang dalawang anak na sina Joshua (28) at Bimby (16) na nangangailangan pa ng kanyang kalinga bilang ina.

Kris is currently renting a house in Orange County, California kung saan niya kasama ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby, her round-the-clock nurses and personal staff.

Umalis si Kris patungong Amerika nung June 2022 kaya sa darating na June 2024 ay magda-dalawang taon na ang kanyang treatment sa nasabing bansa.

Samantala, nasa crossroads ang sitwasyon ngayon ni VG Mark dahil napapagitnaan siya ng kanyang sinumpaang tungkulin bilang vice-governor ng Batangas at sa kanyang maysakit na kasintahan. Magmula nang maging sila ay nagpabalik-balik na si VG Mark ng Pilipinas at Amerika to check on Kris na ang health ay worsening sa halip na tuluyang gumaling. Thankful din marahil ang mga nakatatandang kapatid ni Kris na sina Ballsy, Pinky at Viel kay VG Mark dahil sa ipinapakitang pagmamahal, suporta at pag-aasikaso nito sa kanilang bunsong kapatid sa kabila na meron din itong responsibilidad sa kanyang constituents sa Batangas.

Bukod sa close si VG Mark sa dalawang anak ni Kris na sina Joshua at Bimby, close din ang pamilya ng bise-gobernador kay Kris and her two sons, his mother and three children (sa kanyang ex-wife na si Ann) na sina Ronin, Arielle at Conrad, Jr. or C2.

Dapat sana’y dalawang linggo lamang mananatili si VG Mark sa Amerika, pero dahil sa worsening health condition ni Kris, malamang na ito’y ma-extend ng ilan pang araw to a maximum of one month.

On Kris’ 53rd birthday last February 14, nag-effort si Mark na mag-compile ng birthday greetings for his lady-love mula sa malalapit na kaibigan ni Kris from showbiz na ang iba pa sa kanila ay kumanta pa for her tulad nina Gary V., Jed Madela, Darren Espanto at iba pa na sobra umanong in-appreciate ng maysakit na si Kris.

Maxine buntis na

MaxineAFTER over four months of being a couple, nagdadalang-tao ngayon ang 2016 Bb. Pilipinas-Universe-turned actress na si Maxine Medina (who placed 6th in the 2016 Miss Universe pageant) courtesy of her husband na si Timmy Llana.

“So, this is how it feels to hold an ultrasound photo of our little one, yieeee…We’re thrilled to share the most precious news! Our hearts are bursting with so much love and excitement as we begin this incredible journey into parenthood. OMG…weee can’t wait #blessedlife. Thank you Lord and oh I just wanna share, it’s true that you’ll cry when you hear that first heartbeat yes it was so precious,” pagbabahagi ng dating beauty queen-turned actress sa kanyang Instagram account a couple of days ago.

The couple got married twice in October last year. Una sa isang intimate church wedding na ginanap nung October 3, 2023 sa Immaculate Heart of Mary Church in Antipolo City with not more than 40 guests na binubuo ng kanilang respective families and close friends na sinundan ng kanilang beach wedding on October 9, 2023 na ginanap sa The Club Paradise in Coron, Palawan with a bigger number of guests.

Bukod sa mag-asawang Maxine and Timmy, masaya para sa kanila ang celebrity couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz na meron nang isang anak, ang three-year-old na si Joaquin. Si Dianne ay pinsan ni Maxine.

Zanjoe and Ria: ‘Forever sounds good’

ZanjoeZanjoe1Zanjoe2ATHOUGH magsi-celebrate pa lamang sa kanilang first wedding anniversary ang mag-asawang Arjo Atayde at Maine Mendoza sa darating na July 28, 2024, binulaga naman ng magkasintahang Zanjoe Marudo at Ria Atayde ang kanilang respective families and close friends (in and out of showbiz) sa announcement ng dalawa sa kanilang engagement which they shared in their respective IG accounts last February 20, 2024 although hindi nila ibinahagi kung saang lugar ito nangyari.

Nagsilbing advance birthday gift for Ria ang engagement nila ni Zanjoe as she’s celebrating her 32nd birthday on March 23.

It was only sometime in 2022 nang maging magkasintahan sina Zanjoe at Ria na nagsimula sa pagiging magkaibigan at pagiging part ng barkada ng dating magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Umabot ng 11 years ang relasyon nina Kathryn at Daniel na hindi man lamang umabot sa engagement pero ito’y nauwi sa hiwalayan samantalang sina Zanjor at Ria ay halos dalawang taon pa lamang ang relasyon ay engaged na.

Zanjoe, 41, who was previously in a relationship with now Kapuso star Bea Alonzo, waited for the right woman to come into his life bago ito nag-propose for marriage kay Ria, nakababatang kapatid ng actor-politician na si Arjo Atayde at second child ng mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde.

Si Ria ang tumatayong president-CEO ng family-owned film company ng mga Atayde, ang Nathan Studios, Inc. The company was named after the street kung saan nakatayo ang bahay ng mga Atayde sa isang exclusive subdivision in Quezon City.

Ang buong akala ng marami ay mananatiling binata and Batangueno model-turned actor.

Bukod sa respective families and friends ng newly-engaged couple, masayang-masaya ang mag-asawang Arjo at Maine para sa dalawa while Ria’s parents na sina Sylvia at Art ay excited sa muli nilang pagkakaroon ng bagong karagdagan sa kanilang pamilya after Maine.

“Forever sounds good,” ang message ni Ria sa kanyang IG account which was also shared ni Zanjoe sa kanyang IG. It was only in January 2023 nang kumpirmahin ng Kapamilya actor ang relasyon nila ni Ria although they were already a couple as early as 2022.

This year na rin kaya ikakasal ang dalawa kasunod ng pagpapakasal nung isang taon nina Arjo at Maine in Baguio City? Destination wedding din kaya ito?

Jolina nagmistulang fan girl sa Rivermaya reunion concert

RivermayaJolinaJolina1NAGMISTULANG `fangirl’ ang singer, actress and TV host na si Jolina Magdangal sa much-awaited successful reunion concert ng Rivermaya na ginanap sa SMDC Festival Grounds nung nakaraang Sabado, February 17.

Inamin ni Jolina na pinangarap niyang panoorin ang kanyang mister na si Mark Escueta sa isang reunion concert ng kanilang grupo kasama ang dalawa nilang anak na sina Pele at Vika at ito’y natupad.

Kakaiba ang naramdaman ni Jolina during the concert lalupa’t ito ay na-witness din ng dalawa nilang anak ni Mark na mananatiling memorable experience for them.

Jolina was so proud of her husband the rest of the original members na sina Bamboo Manalac, Rico Blanco and Nathan Azarzon.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE