Kris

Kris, inspirasyon ni Lolit para labanan ang sakit

September 15, 2022 Ian F. Fariñas 329 views

Lolit

ISA si Kris Aquino sa mga inspirasyon ng talent manager/showbiz columnist na si Lolit Solis sa pinagdaraanang hirap sa pagpapa-dialysis dalawang beses isang linggo.

Kwento ni ‘Nay Lolit sa welcome lunch para sa kaibigang Jun Lalin kahapon, ang pagiging matatag ni Kris sa paglaban sa apat (at posible pang maging lima) na autoimmune disease ang nagpapalakas ng loob siya sa loob ng apat na oras na pagpapa-dialysis sa FEU Hospital.

“Siya lagi ang ano ko, tuwing parang maggi-give-up na ako, naiisip ko, ‘naku si Kris nga, mas bagets pa sa ’yo, mas ano, ganyan itsura. May sakit saka mas marami pa siguro datung niya, saka magagawa niya ang lahat ng bagay para magamot siya, chuchu. Eh, ayan pa rin may sakit, ikaw pa?

“Kaya lagi siya ang inspiration mo na… ginagawa ko na siyang inspiration. Saka parang ‘naku ‘wag ka nang mag-complain, ‘no? Siya nga diyan, nandidiyan siya. Saka imaginin mo, siya siguro, ang isang ano niya sa balikat, ‘what will happen to Bimby dahil bata pa, what will happen to Joshua dahil special, ‘di ba? Eh, ako, actually nga, naaano nga ako kung minsan, nagi-guilty, ang iniisip ko lang ‘pa’no na mga aso ko? Baka pawalan ni Mel, ma-dead, baka nasa kalye, walang mag-aalaga. ‘Yun ang mga naiisip ko, ‘di ko naiisip dalawa kong dyunak. eh, malalaki na sila, ‘no?” pag-amin ng talent manager.

Hirap man grateful pa rin daw si ‘Nay Lolit dahil nag-uumapaw ang mga nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya, gaya na nga lang ng alagang si Sen. Bong Revilla.

Isa si Sen. Bong sa nagboluntaryong magbayad ng bills ni Nanay sa ospital.

Sa loob daw ng dalawang buwan niyang pagkakasakit, ni isang kusing ay wala pa siyang nagagastos sa ipon niya dahil sa mga nagpapadala ng ayuda sa kanya.

“Minsan nga, feeling ko charity patient ba ako?” biro pa ni ‘Nay Lolit na sobra rin ang pasasalamat sa patuloy na pagdarasal ng marami para sa agaran niyang paggaling.

AUTHOR PROFILE