Kris ginulat ang fans sa engagement

October 25, 2021 Aster Amoyo 94 views

GINULAT ni Kris Aquino (50) ang publiko when she announced in her Instagram account last Sunday, October 24 that she’s already engaged sa businessman at dating politician and former DILG Secretary Mel Senen Sarmiento (59), a good friend of her only brother, the late former President Noynoy Aquino. She’s looking forward to becoming a Sarmiento.

Eversince Kris’ entered showbiz in 1990 when she was in her teens and her mom, the late President Cory Aquino was still the president, she has become a newsmaker. Naging bukas sa publiko ang kanyang buhay kasama na ang kanyang very colorful lovelife.

Kris has the blessings of her two sons na sina Joshua at Bimby to get married again laluna ang kanyang bunso na gusto siyang maging masayang muli.

Bago naging DILG Secretary nung panahon ni PNoy, ang fiancé ni Kris ay isang negosyante at politician ng Calbayog City, Western Samar na siya ring lugar ng veteran and award-winning director na si Chito Rono. Siya’y nagsimula sa kanyang political career in 1992 nang siya’y tumakbo bilang vice-mayor ng nasabing lugar. Naging mayor din siya ng siyudad na sinundan sa kanyang pagiging kinatawan ng unang distrito ng Western Samar. Naging Secretary General din siya ng Liberal Party during the time of PNoy maging ng League of Cities of the Philippines (2004-2010)

Si Mel ay anak ni Engr. Oscar Sarmiento ng Calbayog City at Teresita Sevilla ng Roxas City.

Naniniwala si Kris na ang kanyang kapatid na si PNoy ang gumawa ng paraan sa langit na maging malapit sila sa isa’t isa ni Mel at kung nabubuhay pa ang dating Pangulo, tiyak umanong magiging masaya ito para sa kanyang bunsong kapatid.

Ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Kris at Mel ay nagsimula nang sumakabilang-buhay si PNoy nung June 24, 2021.

Ngayong engaged na sina Kris at Mel, ano kaya ang reaction ng ex-boyfriend niyang si Herbert Bautista na dalawang beses nag-propose ng marriage sa kanya?

TomTom1Pamilya kumpleto sa kasal nina Tom at Carla

KUNG may isa mang bagay na na-miss ng ex-PBB housemate-turned actor na si Tom Rodriguez sa kanilang kasal ni Carla Abellana last Saturday, October 23 ay ang kanyang yumaong (American) dad na si William Mott, Sr. na sumakabilang-buhay sa Amerika last March 2017. But he had a chance na makilala si Carla.

Tom (who is Bartolome Alberto Abinguna Mott in real life) married Carla in a very solemn wedding held at the San Juan Nepomuceno Church in Burgos, San Juan, Batangas last Saturday, October 23 at 3 p.m. attended by their respective families and close friends in and out of the industry. The reception followed at El Jardin de Zaida in San Juan, Batangas.

Ilan sa mga tumayong principal sponsors from GMA na sina Atty. Felipe Gozon at Jimmy Duavit ay nagpadala na proxy pero ang ibang sponsors ay dumalo at kasama na rito si Dra. Vicki Belo na kasama ang mister na si Dr. Hayden Kho.

The wedding ceremony was officiated by Bishop Ted Bacani.

Magkasamang naghatid kay Carla sa altar ang kanyang estranged parents, ang actor-singer na si Rey `PJ’ Abellana at ang dating aktres na si Rea Reyes at kasama naman ni Tom ang kanyang inang si Teresita Abinguna-Mott who flew in from the US kasama ang dalawa pang kapatid na sina William Mott, Jr. at Walter Mott.

Kumpleto sa side ni Carla including her father Rey `PJ’ and his two younger siblings na sina Dino at Jojo Abellana. Nakasama rin ni Rey ang kanyang present wife na si Sheena at mga anak.

Carla has an elder sister na si Erica na may asawa na rin kung kanino may mga apo na si Rey.

Ang Kapamilya singer na si Jona ang naging special guest singer sa wedding reception na dinaluhan ng iba nilang celebrity friends tulad nina Janice de Belen, Rafael Rosell, Rocco Nacino with his wife na si Melissa, Sid Lucero, ang mag-asawang Drew Arellano and Iya Villania, Vandolph Quizon and his wife Jenny, Jasmine Curtis Smith at iba pa.

Narito ang bumubuo ng wedding entourage nina Carla at Tom:

Principal Sponsors –

Popoy S. Caritativo & Atty. Josabeth Villanueva-Alonso, Ben Chan & Dr. Victoria Belo-Kho, Arnold Clavio & Josette Campo-Atayde, Atty. Felipe L. Gozon & Carmela Corro Tiangco-Cornejo, Gilberto R. Duavit, Jr. & Lilybeth Gomez-Rasonable and William Portacio & Redgie Acuna-Magno.

Ang Best Man ay si Benjamin Q. Sapida habang ang Matron of Honor ay ang nakatatandang kapatid ni Carla na si Erica Easter Abellana-Espiritu. Ang mga tumayong Groomsmen ay sina Arnil D. Derotas, Rafael Quimpo Rosell, IV., Angelo Paree Gerard C. Tizon, John Carlo B. Tiuseco and Billy James Cash Ranacia. Ang mga Bridesmaids ay binubuo nina Grachel Arlene E. Navarro, Marie Claire Magsino-Zozogado, Jewel Cruz-de Guzman at Raelene Villania-Arellano. Junior Bridesmaid si Ava Noelle A. Espiritu.

Ang mga Secondary Sponsors ay kinabibilangan nina Lorrie Anne A. Mott at Karl Patrick . Reyes sa candle, Lovella Ann M. Conley at Ruben Edwards Espiritu sa veil at sina Ann Loraine M. Evangelista at Jason Michael S. Reyes sa cord. Si Diego Safin Dionisio ang Ring Bearer, Mateo Lucas M. Zozobrado ang Coin Beater habang si Malik John Aquino naman ang Bible Bearer. Ang mga tumayong Flower Girls ay sina Lucy Helene Espiritu, Stella Elise Espiritu at Violet Reyes.

Masayang-masaya ang veteran singer-actor at ama ni Carla na si Rey `PJ’ para sa kanyang second daughter at sa mister nito ngayon na si Tom.

“May they live happily ever after,” pahayag ng singer-actor na si Rey.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE