Kris biktima ng fake news
Kahit nalalapit na ang Pasko ay ayaw pa ring tumigil ng mga walang magawang netizens sa pagpapakalat ng fake news.
Nag-viral sa social media ang blind item na pumanaw na ang isang kilalang personalidad na may larawang naka-blur pero tila may hawig kay Kris Aquino.
“If it is true, why keep it a secret? Are they keeping a secret?” ang nakalagay sa caption.
May post din na nagsasaad ng “Are they keeping her death a secret?”
Isang netizen naman ang nag-post ng “Hanggang kailan maitatago ang pagpanaw ng isang high profile celebrity?”
Walang katotohanan na pumanaw na si Kris. Buhay na buhay ito at tuloy-tuloy pa rin ang pagpapagamot.
Ito ang sinabi ni Ogie Diaz sa latest episode ng kanyang online show.
“I asked Tita Mary Ann Opeña, isang napaka-close kay Kris Aquino. Tinawagan niya agad si Alvin, ‘yung secretary ni Kris at natawa na lamang si Alvin,” sey ni Ogie.
Ang sabi raw ni Alvin, “Not true, tita.”
Sey pa ni Ogie, “Siyempre, nasa recovery stage si Kris, pero sabi nga ni Tita Mary Ann, ‘Naku! ’Pag ganyan, hahaba lalo ang buhay ni Kris Aquino.
Kasunod nito ay nakiusap si Ogie sa netizens na tigilan na ang pagpapakalat ng fake news.
“Pero, please lang, huwag kayong magpakalat ng ganito, juice ko!” aniya.
“Huwag na ‘yung mga ganyan. Dapat nga mag-wish tayo na sana ay gumaling si Kris para matupad na ang kanyang pangarap na magkaroon ng show,” dagdag pa niya.