Kris Larawan mula sa IG/@krisbernal

Kris Bernal bawal magpa-beauty

December 18, 2023 People's Tonight 283 views

BAWAL pang sumailalim sa ibang beauty treatment ang celebrity mom na si Kris Bernal.

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ng aktres ang dahilan kung bakit pa siya bawal sa ilang treatment ay dahil nagpapa-breastfeed pa siya ng kanyang anak na si Hailee Lucca.

Ayon pa kay Kris, tanging red LED light therapy pa lang ang pwede niyang gawin at ang ibang treatment na ginagamitan ng machines at injectables ay bawal pa.

Sey pa ng celebrity mom ay magtitiis muna siya ngayon hangga’t bawal pa ang ibang beauty treatment.

“Since I’m breastfeeding, that’s the only treatment allowed for me. Use of machines and any injectibles are still bawal,” pahayag ni Kris.

“Tiis tiis muna! Next time na ang slimming machines and gluta drips!” dagdag pa niya.

AUTHOR PROFILE