Manny

Kris at iba pang taga-showbiz, saludo kay Manny Reaksyon ni Ate Vi, pinaglaruan ni Luis

August 22, 2021 Ian F. Fariñas 109 views

KrisBistekVilmaMARAMI ang naantig sa ipinakitang kababaan ng loob, katatagan at pagiging sportsman ng Pambansang Kamao na si Sen. Manny Pacquiao nang mag-sorry sa mga kababayan matapos mabigong talunin ang Cuban boxer na si Yordenis Ugas sa Las Vegas kahapon.

Maging ang showbiz celebrities, nag-post ng kanya-kanyang pagbati at pagsaludo sa 42-year-old People’s Champ.

Isa sa pinaka-emosyonal ang Instagram post ni Kris Aquino.

Isang quote ang in-upload nito na nagsasabing, “Being positive in a negative situation is now naive. It’s leadership.”

Caption ni Kris, “Pinahanga mo ako #PacMan. Lumuha ako sa interview mo.

“No need to apologize, and we Filipinos wholeheartedly appreciate your THANK YOU.

“Most of all recognizing that the real fight, yung totoong #laban is back here at home para sa mga kababayan mo, after what i am sure was a crushing loss, you truly are a man of #faith.

“My love and prayers are with you mare @jinkeepacquiao. God will surely be guiding and healing both of you in the coming days.

“Madali at masarap manalo, tonight nakita ko sa gitna ng pait ng pagkatalo kinayang ngumiti, magpakumbaba, humingi ng paumanhin, at magpasalamat ng isang taong kung tutuusin nagawa ang hindi na mapapantayan — mabigyan ang ating bansa ng 8 titles in 8 different weight divisions. Mabuhay ka @mannypacquiao.”

Maging ang dating nali-link kay Kris na si former Quezon City Mayor Herbert Bautista, nag-post ng pagkilala kay Pacman, na sa isang interview ay nagsabing baka ang laban kay Ugas na ang kanyang huling boxing match.

Post ni Herbert sa kanyang socmed accounts, “Senator Manny Pacquiao: The ONLY Eight Division Champion!! He is Among the Greatest Boxers of ALL time!!! He is THE Philippine Pride of Boxing!!! Mabuhay ang Filipino Pride!!!”

Isang simpleng “Still my champion” naman ang sinabi ni Gerald Anderson sa kanyang Instagram post na sinamahan ng isang maaksyong bahagi ng nasabing bout.

Ang It’s Showtime co-host namang si Jhong Hilario, pagpupugay kay Sen. Manny ang hatid sa IG post.

Aniya, “Mas maraming beses mo kaming pinahanga kesa pinaluha. Pero sa boxing wala ng dapat patunayan pa kasi buong mundo sayo ay humahanga. Kaya sa bawat pagkatalo mo sasabihin namin na proud pa rin kami sayo. Kasi lagi kang lumalaban para sa aming mga Pilipino.”

Kwela naman ang IG video na in-upload ng Kapamilya host na si Luis Manzano na nagpapakita ng reaksyon ng inang si Rep. Vilma Santos-Recto habang nanonood ng labang Pacquiao-Ugas.

Biro ni Luis, “Di ko alam sino kasama ko sa bahay e, si @rosavilmasantosrecto o si Mommy D, mas apektado pa sya sa family ni MP. Kinakabahan ako, baka ako yung pinusta e.”

In-edit pa niya ang caption ng nakakaaliw na IG video para sabihin na “pinapaligpit na po gamit ko, sabi na e.”

Bukod tanging, “Anak!!! WHY????” lang ang naging komento ni Ate Vi sa patawang IG post ni Luis.

Samantala, punumpuno ang MGM Hotel sa Las Vegas na akala mo ay walang Covid-19 pandemic.

Ang balita, karamihan sa mga nanood ay mga Pilipino.

AUTHOR PROFILE