Kotse Makikita sa larawan ang kotseng parang nayuping lata matapos makaladkad ng tren. Kuha ni JON-JON REYES

Kotse kinaladkad ng tren sa Sampaloc

September 3, 2021 Francis Naguit 180 views

NAKALADKAD ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang isang kotse sakay ang doktor ng isang ospital sa Maynila.

Ayon sa imbestigasyon, ang insidente ay naganap sa kahabaan ng southbound lane ng Algeciras Sterrt kanto ng PIY Margal St. sa Sampaloc, Huwebes ng gabi.

Sakay ng kotse na Honda CRV ang isang 68-anyos na babaeng doktor na residente ng Quezon City.

Iniimbestigahan ang drayber ng tren ng PNR na may body number na DMU-SET 5 (DMR-09) at isa ring babae na si Lorna Regoso.

Nabatid na binabaybay ng biktima ang westbound lane ng PIY Margal St. habang ang drayber naman ng tren ay binabaybay ang southbound lane na nasa kahabaan ng Algeciras St. nang mangyari ang insidente.

Nabangga ng tren ang kaliwang bahagi ng kotse ng doktor sa kanto ng PIY at Margal St.

Maswerte namang nakaligtas ang doktorang sakay ng sasakyan maiban malamang sa naranasang pananakit sa kanyang katawan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng MTEU para matukoy kung sino ang dapat na may pananagutan sa aksidente. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE