Janno1

Koryanong ‘Janno cat’ nag-viral

June 18, 2024 Vinia Vivar 180 views

Viral ngayon si Janno Gibbs dahil sa South Korean cat na kamukha raw ng singer/actor.

Unang ibinalita ng GMA-7 ang tungkol sa social media post ng isang cat owner na si Joel Lanojan tungkol sa kanyang pusa sa South Korea. Ang mga netizen ang nag-comment na kamukha ni Janno ang kanyang pusa.

Sey ni Joel sa panayam ng GMA-7, noong una ay hindi niya napansin na artistahin ang Koreano niyang pusa na si Masho.

“Nu’ng tiningnan ko naman, sabi ko, ‘medyo nga, may pagkakahawig nga,’” ani Joel.

Ang nakakaloka pa, may mga netizen din na nagkomento na may hawig din si Masho sa misis ni Janno na si Bing Loyzaga dahil may nunal ang pusa sa may nguso.

Paliwanag pa ni Joel sa kanyang alagang pusa, “Korean cat siya, tapos nagta-Tagalog ako. Parang ‘yung isip-isip niya, ‘ano bang pinagsasasabi nito?’

Aliw na aliw naman ang netizens sa video ni Masho sa TikTok na ngayon ay nasa mahigit 100,000 views na. At karamihan ay agree na kamukha ni Janno ang pusa.

Heto na, nakarating na kay Janno ang balitang ito kaya ni-reshare niya sa Instagram ang post ng GMA-7 tungkol sa pusang kahawig niya.

Makikita sa post ng GMA ang magkatabing larawan ni Janno at ng pusa.

Caption ni Janno, “So this has been circulating.”

Aliw na aliw ang mga netizen at isa nga sa mga nagkomento ay si Ogie Alcasid. Aniya, “Cute!”

Sey naman ng isang netizen, “I don’t see the resemblance but this was hilarious and adorable at the same time! The Janno cat looks sooo cute!”

AUTHOR PROFILE