Mar

Korina nanay na nanay

September 13, 2022 Aster Amoyo 208 views

HINDI man personal na dinala sa kanyang sinapupunan ng award-winning seasoned broadcaster-host na si Korina Sanchez-Roxas ang kanilang fraternal twins na sina Pepe at Pilar ng kanyang husband, ang kilalang politician at businessman na si Mar Roxas dahil gumamit sila ng surrogate mother sa Amerika, ang pakiramdam niya ay buong-buo ang kanyang pagiging ina sa dalawa.

The twins are turning four in February next year.

Mar was already 61 at 54 naman si Korina nang dumating sa kanilang buhay ang kambal na ang full name ay sina Pepe Ramon Gerardo Manuel Denzel Sanchez Roxas at Pilar Judith Celia Ester Korina Sanchez Roxas.

Samantala, magkakaroon ng bagong talk show si Korina sa NET25 na pinamagatang “Korina Interviews” na mapapanood simula sa susunod na buwan (October). Patuloy pa ring napapanood ang kanyang weekly lifestyle and magazine show, ang “Rated Korina” sa TV5, A2Z at iba’t ibang online and digital platform ng ABS-CBN. Ang nasabing programa ay produced ng Brightlight Productions ng dating politician, ang businessman na si Albee Benitez.

Si Sen. Loren Legarda, na katulad ni Korina ay isa ring successful and award-winning news anchor and TV host ng ABS-CBN ang special guest ni Korina sa pilot episode ng “Korina Interviews” on NET25 soon.

Kathniel

Taunang ABS-CBN Ball ibabalik

AFTER two years ng pagkakahinto ng taunang ABS-CBN Ball dahil sa pandemya at pagkawala ng prangkisa ng radio and TV network, balik sa darating na October 2, 2022 ang star-studded event ng Kapamilya network na sobrang ikina-excite hindi lamang ng mga stars and talents ng ABS-CBN kundi maging ng big bosses, executives, producers, directors at iba pa.

Ang upcoming star-studded event ng ABS-CBN Ball ay may tagline na “Forever Grateful, Forever Kapamilya!”

Ang ABS-CBN Ball on October 2 ay hindi lamang pangungunahan ng top bosses ng ABS-CBN na sina Chairman Mark Lopez, president and CEO Carlo Katigbak kundi ito’y pangungunahan din ng top loveteams ng bansa tulad nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil, Donny Pangilinan at Belle Mariano, Alexa Ilacad at KD Estrada, Coco Martin and Julia Montes at marami pang iba.

Rarampa din ang bagong ‘Darna’ star na si Jane de Leon na hindi pa alam kung si Joshua Garcia ang magiging escort.

Malamang hindi na si Marcus Paterson ang escort ng bagong Valentina na si Janella Salvador dahil kumpirmado nang hiwalay ang dalawa.

Tiyak ding aabangan ang mga kasuotan ng lahat ng dadalo. Sino kaya ang tatanghaling Male and Female Star of the Night?

Lapillus kinagigiliwan ng fans

MAY isa na namang all girls K-pop group na Lapillus ang kasalukuyang kinagigiliwan ng ng Pinoy fans.

Ang 6-member all girls group na Lapillus ay binubuo nina Shana, Yue, Bessie, Seowon, Haeun at ang Pinay at dating Star Magic talent na si Chanty.

The group debuted last June 2022 sa pamamagitan ng kanilang digital album na pinamagatang “Hit Ya!” which they promoted in their recent visit sa Manila where they performed and met with fans.

Hindi kami magtataka kung ang Lapillus na pinamamahalaan ng MLD Entertainment in South Korea ay isa sa sisikat nang husto hindi lamang sa South Korea at Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bansa.

Ken

Ken1Ken at Rhen kapuna-puna ang pagiging close sa isa’t isa

IS there something special going on between former “Walang Tulugan with the Master Showman” talents na sina Ken Chan at Rhen Escano?

Nang mamayapa si German `Kuya Germs’ Moreno, nagkahiwalay sina Ken at Rhen. Si Ken ay napunta sa pangangalaga ng GMA Artists Center habang si Rhen naman ay naging contract star ng Viva Artists Agency. Pero hindi umano naputol ang komunikasyon ng dalawa.

Marami ang nakapansin sa kakaibang closeness ng dalawa nang muli silang magkasama sa isang pre-fiesta celebration ng Borongan City in Eastern Samar dahil halos inseparable ang dalawa.

Mas lalong lumakas ang bulung-bulungan nang makita ang dalawa na sabay na nag-church visit sa San Lorenzo de Martir in Balangiga, Eastern Samar kung saan naibalik ang tatlong historical bells na kinuha ng United States Army as their war trophies sa American and Philippine war in 1901. Pero pagkalipas ng 117 taon, ang tatlong bells ay naibalik sa nasabing church nung December 11, 2018 making the church a tourists’ attraction.

It was also Ken and Rhen’s first visit sa Balangiga historical church and bells gayundin ang kanilang pagdaan sa San Juanico Bridge linking Leyte and Samar, the second longest bridge in the Philippines ( with 2.16 km) next to Cebu-Cordova Bridge.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE