WHAT'S NEW

SEE ALL
Posas

Korean timbog sa estafa

September 10, 2023 Bernard Galang 282 views

ARESTADO ang isang isang Korean dahil sa estafa sa Angeles City, Pampanga.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Hyeonwuk Hwang, alyas Hyun Uk Hwang, 38, ng Blk. 7, Lot 23, Birch Drive, Forest Park Homes South, Bgy. Pampang, Angeles City.

Inaresto ng mga miyembro ng Angeles City police sa ilalim ni Maj. Vicky Tamayo ang suspek batay sa warrant of arrest na inisyu ng Angeles City RTC dahil sa estafa.

AUTHOR PROFILE