Evidence

Korean national, arestado m sa pagnanakaw sa kalahi

December 14, 2024 Edd Reyes 311 views

TIMBOG ang 31-anyos na Koreano nang tangayin ang mahigit P3 milyong halaga ng salapi, alahas, at gamit ng kanyang kababayang amo sa Parañaque City.

Hindi akalain ni alyas “Jeon” na nakita siya ng interpreter ng biktima na si alyas “Joana” 25, nang pumasok sa silid ng biktimang si alyas “ Minhyung”, 26, alas -11 ng umaga noong Biyernes sa bahay nito sa Multinational Village, Brgy. Moonwalk at lumabas na may bitbit ng mga gamit.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Bernard Yang, isa sa mga kawani ng biktima ang suspek sa kanyang negosyo bilang ahente ng casino habang nagsisilbi namang interpreter ang negosyante ring si Joana.

Nang ireport ni Joana sa biktima ang nasaksihan, kaagad na sinuri ang mga gamit at dito natuklasan ang pagkawala ng P2,240,000.00 na digital money, relos na nagkakahalaga ng P1,500,000.00 ang tsinelas na nagkakahalaga ng P50,000.

Nadakip naman kaagad ng mga nagrespondeng pulis ang suspek nang rebisahin ang kuha ng CCTV kung saan nakita pa siyang lumabas na bahay na may bitbit subalit tanging ang mamahaling tsinelas lamang ng biktima ang nabawi sa kanya.

Sinampahan na ng biktima ng kaukulang kaso ang kanyang kababayan sa Paranaque City Prosecutor’s Office.

AUTHOR PROFILE