Kyline Larawan: Kyline Alcantara/IG

Korean girl

June 19, 2024 People's Tonight 160 views

LIVING her K-drama fantasies ang aktres na si Kyline Alcantara sa bakasyon nito sa South Korea na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram.

Sa series of photos na kanyang in-upload, animo’y Disney princess si Kyline sa suot niyan hanbok o traditional Korean outfit habang backdrop din ang traditional house.

Binagayan pa lalo ito ng kanyang hairstyle na bun at side bangs.

Bumaha naman ng pagmamahal mula sa mga taga-hanga nito ang comment section. Maraming fire, heart, at flowers emojis sa naturang post.

Ito naman ang ilan lamang sa mga komento ng netizenz: “Wow ganda ng aming koreana girl”; “Stay sweet and pretty”; “Hanbok really suits on you”; “Basta Bicolano magayonon talaga”; at marami pa.

AUTHOR PROFILE