Yoomin

Korean actor Yoo Min-Gon, nagpa-picture kay Vice Ganda

March 28, 2023 Ian F. Fariñas 671 views

ViceLibro

ISANG linggo na sa Pilipinas ang Korean actor na si Yoo Min-Gon, partner ni Bela Padilla sa Viva Films Summer Metro Manila Film Festival entry na Yung Libro sa Napanood Ko, at so far, nag-i-enjoy daw siya sa kanyang kauna-unahang pagbisita rito.

“Lifesaver” ang tawag niya kay Bela dahil gaya ng Viva family, sinisiguro raw ng dalaga na ayos ang lagay niya habang nasa bansa.

“Hot” ang description ni Yoo Min-Gon sa Pilipinas. Kasing tindi raw ng init ng panahon ang hospitality at kabaitan ng mga Pinoy.

“So far, so good,” aniya, “people are so nice. You’re too nice, super nice! I like the food.”

Marami-rami na siyang natikman na pagkaing Pinoy tulad ng sisig, kare-kare, liempo, crispy pata at kwek-kwek.

Pero wish niya na makatikim ng mangga at avocado dahil mahal daw ang mga prutas na iyon sa Korea.

Isa pa, alam daw ni Yoo Min-Gon na mas masarap ang mga ito rito.

So far, nakapunta na siya sa Enchanted Kingdom at Ayala Museum. Hopefully, bago siya umalis pabalik ng Korea, marating daw niya ang ating mga sikat na beach.

Sa local celebrities, may nakakatuwa siyang encounter kay Vice Ganda nang minsang mag-guest sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.

Kwento ni Yoo Min-Gon, “I enjoyed guesting in It’s Showtime. Honestly, I didn’t know Vice Ganda before I came to the Philippines. But a really, really close friend of mine, who is a close friend of Vice Ganda told me that when I do promo in the Philippines, ‘oh do you know Vice Ganda, blah blah blah, he was like ‘if you ever get the chance to shoot with him, will you give me a picture?’ Hahaha!”

Kaya naman daw nang magkaroon sila ng break sa Showtime, talagang tumakbo raw siya sa kinaroroonan ni Vice sabay nagpa-picture.

Ipinadala raw niya ang litrato sa common friend nila sa Korea na tuwang-tuwa namang makita silang magkasama.

Anyway, dahil nag-enjoy siya sa pagtatrabaho sa ’Pinas at pakikipagtrabaho sa Pinoy actors gaya ni Bela, wish ni Yoo Min-Gon na makagawa ng mas marami pang proyekto sa Viva after Yung Libro sa Napanood Ko.

Kasama rin si Lorna Tolentino, ang nasabing fairy tale love story ay magsisimulang mapanood sa mga sinehan nationwide sa April 8.

AUTHOR PROFILE