Isko

Kontrobersiya sa billing, dinenay ni Isko

February 24, 2023 Vinia Vivar 360 views

Nilinaw mismo ni dating Manila Mayor Isko Moreno na hindi naging problema sa kanya ang billing niya sa Martyr or Murderer kung saan nga ay nasa ilalim ng title ang kanyang pangalan.

“No, no, no!” aniya sa grand mediacon ng MoM, “in fact, wala kayong narinig sa akin sa billing. Mas concerned ako sa tanong kung nagbigay-buhay ba ako sa karakter.”

Dagdag pa niya, “Kasi as an artist, ‘yun na lang ‘yung parang vindication mo, na nabigyan mo ng buhay ‘yung karakter. Billing? Huwag kang mag-alala, yadba (bayad) naman ako, eh (sabay-tawa).”

Natanong din ang aktor tungkol sa pagiging parte naman ng anak niyang si Joaquin Domagoso ng musical-drama movie na Ako si Ninoy at ayon kay Yorme, pareho lang silang ginagampanan ang mga papel na ibinigay sa kanila.

“Joaquin is of age already. He’s trying to make a living. Kaya ‘yung sinabi ko kanina, ‘yung move on, I think that is more than proof enough.

“’Yung sinabi ko noong nakaraan, move on tayo. Si Joaquin is on the other side. I’m on the other side. I think in our own little way, that’s proof already na wala sa amin ‘yung nakaraang eleksyon,” saad ni Isko.

Ayon pa kay Yorme, sobrang proud siya sa anak dahil sa achievements nito bilang aktor na hindi niya nakuha noong nag-aartista siya.

As we all know, sunud-sunod ang best actor na natanggap ng young actor sa mga international film festival dahil sa kanyang performance sa That Boy in the Dark.

“He can do whatever he wants to do with his career and I’m supporting it. I am proud of him. In fact, ‘yung nakuha niyang recognition as an artist, hindi ko nakuha ‘yun.

“Lahat noong araw, puro nomination lang ako. Siya, nananalo at saka international pa. So I’m proud of him, and I’m excited for him. I wish him all the best.

“And wala siyang maririnig at wala siyang narinig from me about him going to the other side. He can do whatever he wants to do as an artist,” pahayag pa ni Yorme.

AUTHOR PROFILE