
Kontrobersiya nina Maris at Anthony balewala sa fans
TWENTY-four-year-old Kapamilya actor Anthony Jennings is really going places nowadays matapos mapansin ang kanyang acting at tambalan nila ni Maris Racal sa primetime TV series na “Can’t Buy Me Love” na pinagbidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Nasundan ito ng kanilang bagong action-drama series na “Incognito” na kung saan naman ay tampok sina Richard Gutierrez, Daniel Padilla at Ian Veneracion kasama sina Kaila Estrada at Baron Geisler. Sa nasabing serye ay muling nagpakita ng husay sa pag-arte ang lahat including Maris at Anthony.
Muling pinagtambal sina Maris at Anthony sa kanilang first movie (for Netflix Philippines), ang “Sosyal Climbers” mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana na agad pumalo sa #1 sa Netflix sa first day release nito at ngayon ay kasama pa rin sa Top 10 ng popular streaming app.
Ayon sa Hollywood Magazine Variety, ang Filipino-British young actor ay nakatakdang gumawa ng kanyang unang international movie na nakatakdang pamahalaan ni Sonny Calvento at magkakatulong na ipu-produce ng Southern Lantern Studios (Philippines), E&W Films (Singapore) at Volos Films Ltd. (Taiwan) from the award-winning material na “Mother Maybe”. Papel ni Marco ang gagampanan ni Anthony na muling makikita ang kanyang long-lost mother sa isang Asian. Pero pagdating sa bahay ay may madi-discover si Marco na kakaiba sa kanyang ina sa gabi na magta-transform into a monstrous figure. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang simulan sa huling quarter ng taong 2025.
Patuloy namang tinatangkilik ng mga manonood ang “Incognito” action-drama series na may ilang araw ding nag-#1 on Netflix at namamalagi pa rin sa Top 10 ng nasabing streaming app.
Although dumaan sa matinding kontrobersiya ang tambalan at relasyon nina Maris at Anthony, people don’t seem to care about it anymore.
Dahil mainit ngayon ang tambalan nina Maris at Anthony, panahon na rin kaya na pagkatiwalaan sila ng pelikulang for theatrical release?
Kathryn at Alden hindi nag-prosper ang relasyon
ANO kaya ang naging problema sa nagsisimula na sanang magandang relasyon sa pagitan ng lead stars ng “Hello, Love, Goodebye” at “Hello, Love, Again” na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards?
Para silang alon na unti-unting lumayo sa pampang.
Kung matatandaan pa, it was on Kathryn’s 28th birthday nagsimulang pag-usapan sina Kathryn at Alden nang dumating ang binata sa birthday celebration ng Kapamilya star in Palawan na nasundan pa ng muli nilang pagtatagpo sa isang intimate birthday party hosted for Kathryn by her friends kung saan dumating ang Kapuso prized actor na may bitbit na special gift for the Kapamilya superstar. Tuluy-tuloy na mainit na pinag-usapan ang pagkakalapit ng loob ng dalawa considering na hindi pa pinag-uusapan at that time ang kanilang follow-up movie sa kanilang 2019 record-breaking movie, ang “Hello, Love, Again” na pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Sampana under Star Cinema.
Pang-promo lang ba ang closeness na ipinakita nina Kathryn at Alden sa publiko?
Samantala, balitang nililigawan si Kathryn ng batambatang mayor ng Lucena City na si Mark Alcala. At gaano kaya katotoo ang balitang muling sinusuyo si Kathryn ng ex-boyfriend of 11 years na si Daniel Padilla?
Melai mas abala kaysa kay Jason
MALAYO na ang narating ng ex-PBB: Double Up Big Winner na si Melai Cantiveros na isa ngayon sa busiest among her peers.
Matapos lumabas si Melai sa PBB house ay naging sunud-sunod na ang kanyang mga proyekto sa bakuran ng ABS-CBN who built her up as one of the fast-rising actresses-comediennes at TV host.
Although nag-artista rin ang mister ni Melai na si Jason Francisco, hindi maikakaila na si Melai ang tuluy-tuloy ang trabaho. Bukod sa araw-araw itong napapanood sa kanilang daily morning show nina Regine Velasquez at Jolina Magdangal, ang “Magandang Buhay,” may dalawa siyang tumatakbong iba pang show ngayon. Isa siya sa mga hosts ng bagong simulang reality talent show na “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” kung saan niya kasama sina Bianca Gonzales, Robi Domingo, Alexa Ilacad, Gabbi Garcia, Enchong Dee at Mavy Legaspi. Co-host naman siya ni Robi Domingo sa bagong season ng “Pilipinas Got Talent” na magsisimula ngayong March 29 and 30. Ang mga ito’y bukod pa sa kanyang solo webcast show, ang “Kuan on One” na nagsimula nung isang taon.
Sa kabila ng sunud-sunod na proyekto ni Mela sa bakuran ng ABS-CBN, naisisingit pa rin niya ang kanyang paggawa ng pelikula maging ang kanyang obligasyon bilang misis ni Jason at ina ng kanilang dalawang anak na sina Mela at Stela.
Sue at Dominic tahimik ang relasyon
HINDI naman siguro `love on the rebound’ ang relasyon nina Sue Ramirez at Dominic Roque dahil pareho sila galing sa break-up – si Sue sa kanyang actor-politician ex-boyfriend na si Javi Benitez at si Dominic naman sa kanyang celebrated break-up with his ex-fiancee, ang actress na si Bea Alonzo.
Chill at tahimik lamang ang relasyon ngayon nina Sue at Dominic at masaya umano ang dalawa.
Mag-propose din kaya si Dominic kay Sue ngayong hindi natuloy sa kasal ang kanilang engagement ng dati niya fiancée na si Bea?
Same birthday sina Sue at Dominic kaya magkapareho sila ng ugali. The actress is turning 29 habang magti-35 naman si Dominic on July 20 (same day) kaya malamang na magkaroon sila ng joint birthday celebration.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.