Bautista Quezon City 4th District Councilor Hero Bautista

Konsi Hero: Social distancing, hygiene protocols sundin

January 7, 2022 People's Tonight 118 views

TUMAAS na naman ang kaso ng mga nagka-COVID -19 matapos ang holiday season, na naging daan upang muling maghigpit ang IATF ng quarantine restrictions.

Dahil dito, muling pinaalalahanan ni Quezon City 4th District Councilor Hero Bautista ang kanyang mga nasasakupan na istriktong sundin ang mga panuntunan ng social distancing at hygiene protocols.

Tinukoy ni Bautista na maging mga bakunadong indibidwal ay maaring mahawaan dulot ng pinakabagong variant, ang omicron ng COVID-19 virus sa kabila ng ang sintomas ay hindi malalala ay sapat naman na maging dahilan ng ospitalisasyon o mas maayos kung kanilang imonitor amg sarili sa panahong may nararamdamang sintomas.

“May tinatawag na ‘breakthrough infection’. Ito ang nangyayari sa mga vaccinated na. Nagkakaroon pa rin ng Covid 19 kahit fully vaccinated na. Ang kaibahan natin, we are less likely to go severe. Kaya kadalasan, home care na lang,” ani Konsi Hero.

Pinaalalahanan ni konsehal Bautista ang kanyang mga constituent sa mga posibleng sintomas ng COVID-19, “Sasakit ang ulo, sisipunin, pagkalipas ng 3 days wala ng sipon.”
Binalaan pa niyang yaong nakakaranas nitong sintomas, lalo na ‘yung mga bakunado na ay ‘wag magpakakampante.

“Akala mo, wala lang. Akala mo nahamugan ka lang. Akala mo normal na sipon lang. So ang next mong gagawin, lalabas ka. Mamamalengke ka. Pupunta ka sa public places, papasok ka sa trabaho. Hindi mo alam dala dala mo pa rin ang virus. So ano ang resulta? Nakapanghawa ka ng hindi mo alam. Ang masaklap pa, ang nahawaan mo ay unvaccinated pa na maaaring mamatay,” aniya pa.

Dulot nito, hinimok ni Councilor Bautista ang mga nasasakupan na manatili sa kanilang mga tahanan kung hindi naman kailangan. “So to all who are vaccinated, kung makaramdam kayo ng sakit ng ulo, sipon, lagnat, huwag nyong balewalain. Treat it as breakthrough infection. Mag isolate na kayo. Huwag na muna kayo lumabas. Unless wala kayong hawak na dokumento na negative kayo, huwag muna kayong lumabas,” payo niya.

“Last year ang concern natin ay kung paano tayo hindi mahahawa. Ngayong year na ito na marami ng vaccinated, dapat isipin din natin kung paano tayo hindi makakapanghawa,” aniya pa.

Pinalabas din ni Bautista ang mobile ng kanyang tanggapan para alukin ng libreng antigen tests sa kanyang distrito sa mga nasasakupan para sa testing at kasiguruhan at mapalagay ang kanilang isipan.

Naglibot din ang staff ni Bautista sa iba’t ibang barangay para mamahagi ng hygiene packs kung saan kabilang dito ang alcohol, face masks, hand sanitizers, at iba pang mga esensiyal. Robbie Pangilinan

AUTHOR PROFILE