
Konsehal todas sa RIT
VIGAN CITY, Ilocos Sur–Utas ang isang konsehal sa siyudad na ito ng pagbabarilin ng nakatakas at hindi nakilalang riding-in-tandem (RIT) noong Sabado sa Brgy. Tamag, Vigan City, Ilocos Sur.
Patay agad ang biktimang si Anthony Verzola, Sangguniang Bayan member ng Vigan City, na taga-Brgy. Callaguip, Caoayan.
Ayon sa report, nakaupo ang biktima ng biglang pagbabarilin ng RIT sa ulo.
Ayon sa ilang saksi, napansin nila na pabalik-balik ang mga suspek bago dumating sa lugar ang biktima.
Dating presidente ng Association of Barangay Captains ang biktima, ayon sa report.