Chiz Sumusumpa si Sen. Chiz Escudero bilang bagong lider ng Senado.

KONGRESO TITIBAY KAY CHIZ

May 21, 2024 Ryan Ponce Pacpaco 127 views

Young Guns kumpiyansa

TIWALA ang dalawang miyembro ng “Young Guns” bloc sa Kamara de Representantes na higit pang titibay ang pagtutulungan ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa pag-upo ni Sen. Francis “Chiz” Escudero bilang Senate President.

Umaasa ang mga House Assistant Majority Leader na sina Rep. Jay Khonghun (Zambales, 1st District) at Rep. Francisco Paolo Ortega (La Union, 1st District) na ang pagbabago ng liderato ng Senado ay magiging daan upang mas mabigyang tuon ang mga mahahalagang usaping kinakaharap ng bansa.

“Senate President Chiz Escudero brings invaluable experience and leadership to the Senate,” ayon kay Khonghun. “We look forward to a strong partnership between the Senate and the House to advance legislation that benefits the Filipino people.”

Naniniwala si Khonghun na ang mga praktikal na paraan at dedikasyon ni Escudero sa serbisyo publiko ay malaking tulong sa paglikha ng mga napapanahon at kapakipakinabang na batas para sa kapakanan ng bansa.

Sinabi ni Ortega na ang pagkakahirang kay Escudero ay kapuwa bentahe hindi lamang sa Senado kundi maging sa Kamara.

“This marks a new chapter for the Senate, one where cooperation and effective governance can thrive,” ayon kay Ortega.

Dagdag pa ng mambabatas, “Senator Escudero’s election as Senate President is a milestone that resonates beyond the Senate chambers; it’s a pivotal moment for us in the House of Representatives too. It signals a new era of collaboration and synergy between our legislative bodies.”

Kapuwa sinabi nina Ortega at Khonghun ang kanilang kahandaan na makipagtulungan kay Escudero sa pagtugon sa mga mahahalagang usapin, tulad ng edukasyon, pangangalagang pangkalusugan, inflation, at pag-amyenda ng konstitusyonal na pagbabago sa ekonomiya.

“Senate President Escudero’s track record shows he is a champion for the people, and I am confident his leadership will lead to meaningful reforms,” ayon kay Ortega.

Ayon naman kay Khonghun, “I have high hopes the new Senate leadership will pave the way for constructive dialogue and effective solutions to our nation’s most pressing challenges. We look forward to working closely with Senate President Escudero to enact meaningful reforms that benefit all Filipinos.”

AUTHOR PROFILE