Zamora

Kongreso sinuportahan paglalagak ng pondo sa DepEd — Rep. Zamora

August 11, 2024 People's Tonight 152 views

TALIWAS sa sinasabi ni Vice President Sara Duterte, sinabi ng isang solon mula sa Davao de Oro na maigting na sinuportahan ng Kongreso ang paglalaan ng malaking pondo sa Department of Education (DepEd).

Ikinalungkot ni Davao De Oro 1st District Rep. Maria Carmen “Maricar” S. Zamora, na dating miyembro ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), na sa kabila ng malaking suporta ng Kongreso ay nanatiling mababa ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan noong pinamumunuan pa ni Duterte ang DepEd.

Si Zamora, vice chairperson ng House Committee on Appropriations ang nag-isponsor ng budget ng DepEd.

“As the DepEd budget sponsor for the past two years, I fought hard to have its budget approved with minimal revisions. But its implementation was carried out solely by the Department,” ani Zamora.

Tinukoy ni Zamora ang mahinang performance ng mga estudyanteng Pilipino sa Program for International Student Assessment (PISA) na repleksyon ng hindi epektibong pamamahala ng departamento.

“The root causes of our educational challenges remained even after the tenure of Vice President Duterte as Education Secretary. The minimal progress made undermines her credibility when she criticizes the Marcos administration,” sabi ni Zamora.

Sa kabila ng mga ganap na pinondohan na mga proyekto at programa para sa 2023 at 2024, bigo pa rin ang DepEd na pagbutihin ang kasanayan ng mga guro at malinang ang kritikal na pag-iisip ng mga estudyante sa mga paaralan.

“These ongoing issues highlight the need for more effective educational reforms made possible through concrete leadership,” saad pa ni Zamora.

Nanawagan si Zamora kay Bise Presidente na mag-ambag ng mga solusyon sa mga isyung kaniyang inilabas pamamagitan ng pakikilahok sa mga bukas na talakayan.

“Vice President Sara Duterte must look at how she can help the country by being open to discussing how to solve its problems instead of assigning blame. Real leadership means offering solutions, not just criticisms,” wika pa ni Zamora.

AUTHOR PROFILE